-16-

333 33 1
                                    

CHESCA'S POV



"Ang ganda ng kotse nila no?" biglang sabi ni Ate. Tumango naman ako bilang pag sang ayon.


"Tara na.. Mag luluto pa ako ng dinner natin." tumango naman kami at napatingin ako kay Kuya na nakatingin parin sa dinaanan nila Miss Lee.


"Uy! Kuya! Bakit tulala ka diyan?" siniko siko ko siya at napatingin naman siya sakin. "Type mo siya no?" tinutukoy ko ay si Miss Lee.


Umiling siya at tumingin ulit don. "Hindi.." bumuntong hininga naman siya at tumingin ulit sakin. "Naguguluhan ako.. Napaka pamilyar ng presensya niya.." pumasok na siya sa kotse at naiwan naman ako sa labas at natulala din.


Oo nga no?


'This is just the beginning..'


Anong ibig sabihin non? Ibig sabihin may susunod pa?


Nagulat ako ng tinawag ni Papa ang pangalan ko.


"Ches, ano ba! Sakay na!" nataranta naman ako at sumakay na.


Malapit na kami sa bahay at nagulat kami nang may nakita kaming naka park na brand new Toyota Land Cruiser Prado GXL na naka park sa harap ng gate namin.


Nag park na kami sa likod non at bumaba narin kami. May bumaba ring lalake na mukhang nasa 30's na at hinarap si Papa.


"Are you Mr. Lim?" tumango naman si Papa at nag lahad naman ng kamay at inabot naman yon ni Papa. "I'm Ricardo Obong. Nice to finally meet you, Sir." tumaas naman ang kilay ko.


"Sino ka ba?" tumango naman si Papa.


"Kung pinadala ka ni Marie sabihin mo wala akong pake sa kanya at malaya siyang mag pa tiwakal kamo!" tatalikod na sana si Papa ng biglang sumigaw si Mang Ricardo at lumuhod.


"Hindi po! Demonyo po ung Marie na yon.." natawa naman kami at pinag patuloy niya naman ang sinasabi niya, "Pinadala po ako ni.. Miss .. Ni Miss..." nag simula nanamang uminit ang ulo ni Papa kaya sinigawan niya yon.


"Nino ba?!" napapikit naman siya at pasigaw na sinagot ang tanong ni Papa.


"N-Ni Miss J-Julie!" natigilan naman kami at nag katinginan.


"Nino? Ni Julie?!" gulat na sabi ni Papa.


"Pinag loloko mo ba kami?" kinuwelyuhan ni Kuya si Mang Ricardo at pinigilan naman siya ni Mama.


"Lewis! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Magtigil ka!" sinamaan naman ng tingin ni Kuya si Mang Ricardo.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon