-10-

431 34 6
                                    

MARK'S POV



9 pm na ngayon at palabas na kami ng room na pinag praktisan namin.


"Asan ang mga tao?" takang tanong ni Ate Lyn.


"Nasa bahay ko na.." sabi ni Lee. Tumingin naman kaming lahat sakanya, "What?" natatawang sabi niya. "Okay okay. Pinapunta ko na sa bahay ko kasi wala naman silang gagawin dito.. Besides sabi din ni Tito hindi niya alam kung babalik pa siya dito sa bahay na to o sa bahay ko na rin siya titira.." malungkot na sabi niya.


"Ah! Wag nalang natin pagusapan yan hehe.." sabi ni James.


"Haha.. Tara na nagiintay na si Kai sa labas.." Lee.


Naglakad na kami sa labas at andun ang kotse ni Lee na Fortuner. Bumaba ang bintana non at may isang lalake na nakangiti ang tumambad samin.


"Hi Queen! And friends! Hahaha!" sabi niya.


"Tss. Sumakay na kayo." sabi ni Lee habang nakatingin samin. "Lock ko lang ang buong bahay.." tumalikod na siya at akala ko ay papasok pa siya at isa isang sasarado ang mga pintuan pero hindi.. Pumunta siya sa garden at inangat ang maliit na paso.


"It's the main switch.. Kami lang nila Tito at Lee ang may alam niyan.." sabi nung lalake.


"Ang galing naman.." Matty.


"Parang siya." naka ngiting sabi ni James.


'for sure si Lee ang tinutukoy niya! tch.'


Namatay lahat ng ilaw sa buong bahay at binalik na ni Lee ang maliit na paso sa pwesto nito.


"Tara na, Kai." sabi ni Lee pag kasakay sa passenger seat. Nilingon niya naman kami, "Ano okay lang kayo?" nakangiting sabi niya.


"O-Oo naman.." sagot ko. Tumango naman siya at humarap na ulit.


"Saan ka dumiretso?" tanong niya kay Kai.


"Dun na sa bahay mo. Katatapos lang ng concert at dapat magbibihis nako kaso nagtext ang Reyna e." natatawang sabi niya.


"Ulul." natatawa ring sabi ni Lee. Maya maya lang ay andito na kami sa tapat ng isang napaka taas na gate.


"We're hereee~" sabi niya. Bumaba si Kai at may inurong na brick don sa gate. May nilagay siyang code don at nagbukas naman na ang gate.


"Wow.. Sayo tong bahay Lee?" manghang sabi ni James.


"Oo naman.."


Nagpark na si Kai sa garage at bumaba na kaming lahat.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon