-27-

293 24 0
                                    

KATHERINE'S POV





Hi! Ako si Katherine Park, 18 years old. Kasama ko ngayon ang boyfriend kong si Renzo De Guzman. Four years na kami at masaya talaga ako don. Hehe.


Kami nalang ng kakambal ko ang magka sama dahil patay na ang mga magulang namin dahil sa car crash na nangyari 10 years ago.


Katerina Park ang pangalan ng kakambal ko.


"Ate!" nilingon ko naman ang kapatid ko at inintay siyang maka habol sa gilid ko. Natanggap kaming tatlo nila Renzo bilang scholar sa Meridian University o mas kilala bilang MU. Mahirap lang kami at hindi namin kakayaning bayaran ang matrikula doon.


"Bakit?" tanong ko habang minamasdan ang buong unibersidad. Maraming mata ang naka tingin samin marahil na rin sa suot namin na mukhang basahan na nilabahan nalang para may maisuot.


"Ang daming naka tingin satin.. Nakaka panibago." bulong niya.


Tumango lang naman ako at nilingon ang boyfriend ko. "Renz.. San nga pala ang room natin?" tinignan naman niya ang papel na kanina niya pa hawak simula ng mag lakad kami papunta dito.


"Room 24 Section A. Doon tayo sa second floor Kitkat.." tumango naman na ako at hindi nalang pinansin ang mga nagbubulungan sa dinadaanan namin.


"Yuck. Pano sila naka pasok dito? Look at his shoes oh! Naka ngiti na!" nag tawanan naman sila at naramdaman kong hinigpitan ni Renz ang hawak niya sa kamay ko.


"Don't mind them.." bulong ko at nginitian siya.


"Ang pangit naman nilang kambal. Like eww. For sure ugaling squatter sila! Hahaha!" hindi na namin narinig pa ang ibang pangungutya nila dahil naka akyat na kami sa ikalawang palapag ng building A.


"Katkat, hanapin mo ung room natin kausapin ko lang si Renz. Okay?" tumango naman siya at hinatak ko si Renz sa isang gilid. Pinitik ko ang daliri ko sa harap niya at hinarap naman niya na ako.


"Hey.. Tandaan mo ang rason kung bat tayo pumasok at naka pasok dito. Gusto nating mag tapos sa isang maganda at pribadong aralan at ginamit naman natin ang utak natin upang maka pasok sa MU.. Hindi tayo bobo at hindi rin tayo tanga. Matalino tayo at nakakasiguro akong mas matalino pa tayo sa mga nangungutya satin.." matagal pa bago nawala ang kunot ng noo niya at ngumiti narin.


"Thank God mayroon akong girlfriend na matalino!" tumawa naman ako at tinawag naman na kami ni Katkat. Pumasok na kami sa loob at namangha agad sa ganda ng classroom namin.


Kulay itim ang pader namin at kulay puti naman ang tiles. Mayroong limang row ng mga table at upuan at pinili namin ang pang apat. May aisle sa gitna para madaanan ng mga uupo at tatayo. Kada table ay may limang taong mags share. Malaki naman siya at parang isang table mo narin ang espasyo na sakop mo.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon