KAI'S POV
After 12 hours and 30 minutes finally ay nasa Europe na kami. At dahil Europe trip ang gagawin namin una naming pupuntahan ay Rome. Sunod ang Amsterdam, Barcelona, London and lastly, Paris. May plinano na ako habang nasa eroplano pa kami.
Sa Hotel Lord Byron kami mags stay dahil may kakilala kami dito ng family ko.
"Ang ganda naman dito.." sabi ni Chesca. Napa ngiti naman ako habang pinag mamasdan ang maganda niyang mukha.
"Mas maganda ka pa nga diyan eh." natigilan naman siya at namula.
"Mamaya ka na bumanat sa kapatid ko. Paliguin mo muna yan at ang baho na siguro niyan." tumawa ng malakas si Lewis at inirapan lang naman siya ni Chesca. Andito na kami sa tapat ng room nila ni Thea. Three rooms lang kasi ang available dahil marami daw ang dayo ngayong buwan na to. Si Tito at Tita, Thea at Chesca at Ako at si Lewis ang magsh share sa room.
"Sige na.. Mag pahinga muna tayo. Gala tayo in two hours." naka ngiting sabi ko at pumasok na kwarto namin.
"Pre, pinopormahan mo ba ang kapatid ko?" nag lalabas na siya ng damit na pamalit niya nang bigla niya akong tanungin. Napatingin naman ako sa kanya at ganun rin siya. "Tandaan mo, may tiwala at respeto ako sayo.. Pero oras na sirain mo yon at paiyakin ang kapatid ko, humanda ka na. Hindi mo pa ako masyadong kilala." naka ngising sabi niya. Natigilan naman ako at kinuha niya na ang towel niya. "Ako muna mag shower ah?" tinapik niya pa ng dalawang beses ang balikat ko at pumunta na siya ng CR.
What the fuck just happened?
'walang duda, mag kapatid nga sila ni Julie!!!! parehong pa suspense lagi. tch!'
Humiga muna ako sa kama at umidlip saglit. Ang tagal ni Lewis sa banyo eh.
KATHERINE'S POV
Nag lalakad na kami papasok ng Main Bldg nang maagaw ng mga tunog ng motor ang atensyon namin.
"Oh! Diba sila Julie yon?" gulat na sabi ni Katerina. Tch. Alam kong iniintay niya lang si James. Narinig ko siya kagabi na mag damag na kausap yon!
"Ang galing naman nila mag motor.. Sana ako rin naturuan ni Tatay." malungkot na sabi ni Renz. Namatay kasi ang mga magulang niya noong minsan silang nalooban. May motor siya sa bahay at sa Tatay niya pa yon. Matagal tagal naring di nagagamit dahil walang may marunong sa kanila ng Kuya niya.
Ngayon habang pinagmamasdan ko si Julie ay may napansin ako sa likod niya. "Pwede pala ang tattoo dito sa school?" tanong ko sa kapatid ko. Napatingin din siya sa likod ni Julie at nagulat naman siya at mabilis na umiling.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...