-24-

258 25 0
                                    

MARK'S POV




Agad akong lumapit kay Julie at binuhat siya. Ang isang kamay ko naman ay hawak ang phone ko at dinadial ang number ni Dad.


'alam kong may kinalaman to sa necklace niya..'


Dalawang ring lang ay nasagot niya agad ito,


"Hello son.. Napa tawag k-"


"D-Dad! Si Julie bigla nalang nahimatay!" narinig kong nag mura ng malutong si Dad.


"Ano?! Sige, mabuti at pauwi na ako! Intayin niyo ko, wala kayong ibang gagawin sa kanya, maliwanag ba yon?!"


"Opo!" binaba ko na ang tawag at pumunta sa isang guest room dito sa baba. Inihiga ko na siya don at hinalikan ang noo niya.


'kaya ako natigilan kanina dahil napansin kong wala sayo ang kwintas mo..'


Tumayo na ako at lumabas na ulit.


"Mark iho, kamusta ang anak ko?" naabutan ko si Tito Richard na naka upo sa inuupuan ko kanina.


"She's still unconscious, Tito.. Pauwi na daw po si Dad at siya ang titingin sa kanya." tumango naman siya at niyakap nalang ang asawa.


Ilang sandali lang ay pumasok na si Dad na humahangos.


'what the hell?'


"I-It's not safe out there!" tumingin si Dad sa amin at sinenyasan. "RG dito lang kayo. Mag ready kayo. Chard, Sia iakyat niyo ang mga anak niyo. Don kayo sa may Safe Room. May kasama kayong limang tauhan ni Julie. Sige na! Sundin niyo lahat ng gusto nila, okay?" umakyat naman sila agad.


"Dad what the fuck is happening?!" sabi ni Kuya habang binubunot ang katana niya at kumukuha ng mga kunai.


"Nasa kamay nila ang kwintas ni Julie. Ginamit nila si Kai."


"What do you mean?" tanong ko kay Dad at tumingin kay Kai. "What the hell?!"


Yumuko naman siya. "Sinabi nila kapag binigay ko yon ay titigilan na nila tayo pero hindi sila tumupad sa usapan. Binaril ako ni Seth at pinatapon sa labas ng bahay nila.."


"Nabaril? Hindi nasabi ni Julie na nabaril ka?" Dad.


"Na pagaling niya po ako Tito." may maliit na ngiti siya at dumiretso sa kwarto ni Julie. Sumunod naman kami at naabutan namin siyang naka upo sa gilid ng ulo ni Julie. "Ang luha niya ang nag pa galing sakin. Ang tunay na luha na naglalaman ng maraming emosyon."


"Ayan ang naka lagay sa libro.. Ang iyak ng isang Tigress ay kayang mag pa galing ng isang tao. Kulay asul ang mata niya, tama ba?" tumango naman siya at tinignan ulit si Julie.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon