-14-

319 29 0
                                    

LEE'S POV (July 7, 8 pm)



Sabado ngayon at pauwi na ako from Korea. Medyo weird nga lang kasi maayos ang usapan namin nila Tito at Tita na sabay sabay kaming uuwi pero nauna na sila kaninang 6 am. Pumunta nako sa private parking lot at sumakay na sa kotse ko.


Yes, may private PL dito para sa mga nagiiwan ng kotse. Nasa tapat na ako ng gate ng mapansin kong parang ang dilim ng bahay..


'bakit ganito?'


Mabilis akong bumaba ng kotse pagka park ko at dahan dahang pumasok sa loob. Nang mabuksan ko na ang double door ko ay nagulat ako sa nakita ko. May red carpet na nakalatag sa lapag at papunta yon sa backyard ko. Sinundan ko yon at mas lalo akong nagulat sa nakita ko! Andon sila Tito at Tita at lahat ng ka gang mates ko!


"Happy 17th Birthday!~" sabay sabay nilang sigaw. Ngumiti naman ako sakanila at may hinanap naman ang mata ko.


'asan siya?'


Nang hindi ko siya nakita ay medyo nalungkot ako at tumingin nalang ulit sakanila. Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong may tao sa likod ko.


"Looking for me?" bulong niya malapit sa tenga ko. Lumingon naman ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang cake.


"Mag wish ka na muna, Lee!" natatawang sabi ni Kai. Pinakyuhan ko naman siya kahit nakatalikod ako at nagtawanan naman silang lahat.


Pumikit ako at nag wish bago ko hinipan ang kandila. Pag mulat ko ay nakita ko ang mga mata niyang may pag ka hawig sa mata ni Kie. Ngumiti naman siya at nilagay ang cake sa table na nasa gilid lang namin at humarap ulit sakin.


"Anong wish mo?" kahit ayokong masaktan siya ay sinabi ko ang totoo.


"Ang makita ang lalakeng matagal ko ng hinahanap.." i saw pain in his eys kaya nag iwas na ako ng tingin.


"Tara na kain na tayo!" tatalikod na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko at niyakap ako.


"Damn. Pwede bang tayo muna sa gabing to? Walang iba, tayo lang.." bulong niya.


Ngumiti naman ako. "Sige.."


"Hoy! Tara na!" sumigaw ulit si Kai at sumunod na kami. May mga barbecue, hotdog, liempo at marami pang iba ang naka handa sa table pero ang pinaka naka agaw ng pansin ko ay ang dinuguan.


Marami akong nakain at nag pa hinga pa muna kami bago mag swimming. Tatayo na sana ako para umakyat upang maka bihis.


"Where are you going?" hinawakan ni Lyn ang wrist ko at hinatak ako papunta shower room. "Here. Ito ang suotin mo. Intayin kita sa labas ha?!" parang mas excited pa siya habang nalabas siya.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon