-28-

305 25 0
                                    

LEE'S POV




Andito na kami sa canteen at naiinis parin talaga ako kay Mark! Sinabi ko ng dispatsahin ung mga sumusunod samin pero wala! Hindi niya ako pinakinggan at agad na dumiretso sa University!



~ flashback ~


Nasa highway na kami ng biglang may naramdaman akong nasunod samin. Kinalabit ko agad si Mark.


"May sumusunod satin!" sigaw ko dahil ayaw niya akong pansinin!


"A-Ano ka ba! Wag kang makulit nagd drive ako!" anak ng! May sumusunod na sa amin ganyan parin ang sagot niya?!


"Itigil mo to!" inis na utos ko.



"Hindi pwede! Ayokong ma late sa first day ko!" 


Anak ng teteng talaga! "Mark ano ba!" galit na talagang sigaw ko!


"Manahimik ka na! Hindi ako maka pag concentrate!" nanahimik nalang ako at palihim na tinitignan ang side mirror at umaasang makikita don ang mukha ng sumusunod sa amin pero nabigo ako! Blackout ang tint nila huhu.


~ end of flashback ~



Tinanggap agad ni Lyn ang offer ni Katherine at umupo na sa mismong harap niya. Bumuntong hininga naman na ako at umupo sa tabi ni Renzo. Umupo rin si Mark sa gilid ko.


"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Kaligtasan lang natin ang iniisip ko.." sinimangutan ko naman siya.


"Sinong inulul mo?! Mas ligtas sana tayo kung dinispatsa na natin ung sumusunod satin!" pinanlakihan niya naman ako ng mata.


"Hinaan mo boses mo.. Nasa canteen tayo!" napa kamot naman ako ng batok at bumaling kela Katherine.


"Kamusta naman kayo?" ngumiti naman si Kath sakin.


"Working student ako. Kaming dalawa lang ni Katkat nakatira sa bahay.." tumango tango naman ako. Gusto kong malaman kung san siya nagta trabaho dahil pamilyar ang mukha niya.


"Ahh. Hindi ba delikado yon?"


Kumunot naman ang noo niya, "Ang alin?"


"I mean ung kayong dalawa lang sa bahay niyo. Sinong naiiwan para sa kapatid mo?"


Napawi naman ang kunot ng noo niya at tumawa ng mahina, "Ohh that! Kapit bahay lang namin ung schoolmate niya last year which is ung bestfriend niya. Doon siya muna nagsstay at babalik lang sa bahay pag naka uwi na ako. Pag mahirap siya gisingin ay doon narin ako nakikitulog."

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon