-48-

38 13 1
                                    

LEE'S POV

"Waddup Clarissa!" Pagkababa na pagkababa namin ay agad kong tinawag ang atensyon ng dalawang magkapatid na gulat na napatingin sakin. "Oh, what?? You think I wouldn't know, Miss Ciela??" Ngumiti ako ng nakakaloko at bagaman nakamaskara sila ay kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nila. "Isn't it rude to start the party without me??" Batid kong nag iba na ang aking itsura dahil pansin kong napa atras sila nang mag iba ang kulay ng mga mata ko.

'that's right, bitches. fear me for I am merciless!!'

"The n-necklace..." Napatingin ako sa gilid nila Clarissa kung saan naroroon si Killer at nginisian siya. "H-How come?!" Unang araw palang namin dito sa MU ay alam ko na agad na si Mr. Gamboa si Killer dahil noong araw na nakita ko ang bala sa locker room ay nakasalubong ko siya at naamoy ko ang pulbura na kulay green sa kanya.

"I ain't that dumb, Mr. Gamboa." Rinig ko naman ang pag singhap nila Mark kaya nginitian ko siya. Kung nag tataka kayo na kung bakit di ko sinasabi sa mga kagrupo ko kung sino si Killer ay dahil kanina ko lang na kumpirma na siya talaga yon. Ayokong kumilos nang di pa nasisiguro na siya nga talaga ang lalakeng yon. "Ang lakas ng loob niyong atakihin nang atakihin ang grupo ko. You think I wouldn't come to save them?" 

"P-Pero.. Marami kang nainom na juice kanina!" Natatarantang sabi ni Miss Ciela sa akin at tinaasan ko naman siya ng kilay. "That juice was made to kill tigers; to kill you." Natawa naman ako at tinignan siya ng seryoso.

"But I am here." Giit ko. "Sabi nga nila, The closer you are to death, the more alive you feel." Pumikit ako at buong pwersang pumadyak sa sahig. Kitang kita ko ang mga parang kuryenteng kulay kahel na gumagapang sa sahig papunta kanila Blake, Niks, James at Matty. Itinaas ko ang aking kanang kamay at bumulong sa hangin "Be healed." Onti onting sumara ang mga sugat nila at nagkaron ng malay. "Hey, RG." Kinindatan ko sila dahil bakas ang gulat sa mukha nila nang makita nilang suot suot ko na ulit ang kwintas ko. 

'tinotoo ni Kai ung sinabi niyang babawiin niya ang kwintas ko...'

~ flashback ~

KAI'S POV

"Ace, Spade at Joker! Doon kayo sa control room! Kami na bahala dito!" Although ayokong iwanan sila James at Matty ay desidido na akong aalis ako upang ma retrieve ang kwintas ni Julie.

'kailangan na kailangan niya ngayon ang kwintas dahil hindi na normal ang nangyayari sa kanya..'

Napapikit ako ng mariin at bagaman maingay dito dahil rinig na rinig ang mga hiyaw ng mga natatakot na estudyante ay bumulong parin ako sa kanilang dalawa habang kami ay tahimik na pumapanik sa tagong hagdanan. "Mga pre, kailangan ko na umalis.."

Napatingin naman sakin si James at napamura nalang. "Tangina pre. Kahit kailangan ka namin dito, sige umalis ka na. Hindi ko yata kakayaning makita si Julie na mamatay ng basta basta..." Nagulat naman ako sa seryosong mukha niya at tinignan si Matty. Nag kibit balikat naman siya at bagaman nalilito ako ay tinapik ko silang dalawa sa balikat.

"Mag iingat kayo. Tandaan niyo lang ang laging sinasabi ni Julie sa inyo. Be merciless.." Tumango naman sila at humiwalay na ako. 

Nag tungo ako sa banyo na pang PWD at umakyat sa bowl. Tahimik kong inangat ang ceiling at buong lakas na binuhat ko ang aking sarili upang makapanik sa ceiling. "Goddamn ang dilim..." sinimulan ko na ang pag gapang ko at nakita pa sila Blake sa mismong Hall na nag uusap sa gitna. Bago pa man ako lumagpas doon ay narinig ko pa ang bati sa kanila ni Killer. "Tsk. Ewan ko nalang kung buhayin ka pa ni Julie kapag may nakita siyang sugat sa isa sa kanila.." Nang marating ko ang dulo ay inayos ko ang baril ko at nilagyan to ng suppressor para di marinig ng ibang tao na may nag papaputok dito sa banda ko. Dahan dahan kong inurong ang takip sa ventilator na di naman naka on at sumilip sa baba. Nang makita ko na may dalawang lalake sa magkabilang dulo ay nag patunog ako sa bandang paanan ko upang maagaw ko ang mga atensyon nila.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon