-19-

352 29 0
                                    


LEE'S POV




Nagsibabaan na kami sa yate at nag simula ng mag picture. May mga sariling mundo sila kaya hinatak ko si Mark at hinanap sila Tito.


"Dahan dahan lang naman!" angal niya kaya binitawan ko siya. Narinig ko pang tumawa siya kaya pumadyak ako sa buhangin! "Sorry na!" inirapan ko naman siya at pag tingin ko sa malayo ay may naka tingin samin na babae.


'paanong nangyari....'


Pumikit ako at nang buksan ko ulit ang mgamata ko ay wala na siya doon!


"Julie? Anong tinitignan mo diyan? Ayon si Dad oh.. Teka wag mo sabihing nanlalalake ka?!" binalewala ko lang ung huli niyang sinabi at tumingin si tinuro niya.


Hindi pa fully developed ang Anawangin pero may water supply na sila at may mga ilang kubo. Nag papa rent din sila ng mga tents. Hindi na kami kumuha pa ng kubo o tent dahil naka pag bihis na kami sa yate.


"Oh iha.. Andito na pala kayo." hinalikan ko sa pisngi si Tito at ganun rin naman sa parents ni Lyn.


"Kamusta ang byahe?" tanong ni Tito habang naka ngisi. Nginisian ko rin siya at sumagot.


"Swabeng swabe!" nag tawanan naman kami at nag swimming na. Halata sa mukha ng ibang bakasyonista ang pag ka mangha pag kakita saamin.


'malamang ikaw ba naman makakita ng yate hindi ka mama mangha?!'


"Dad? Can I talk to Mom for a sec?" tumango naman si Papa at iniwan kami. Gabi na ngayon at nasa taas kami ng yate. Dito kasi kami mags stay for 5 days.


"Bakit anak?" tinignan ko naman siya at hinawakan ang wrist niya. Batid kong nagulat siya sa ginawa ko dahil binawi niya agad yon.


'wala talaga siyang balak sabihin no?'


"Hindi mo na kailangang itago, Ma. Matagal tagal ko narin naman nang alam eh..." tumingin ako sa malayo at naramdaman kong nakatingin siya sakin.


"A-Ano bang sinasabi mo?" tumingin ulit ako sakanya at ngumiti. Pinakita ko ang wrist ko at hinawakan ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang umilaw ang wrist naming dalawa. "Alam mo na?" tumango ako at bninitawan ang kamay niya.


Nangyayari lang ang ganon kapag nag skin to skin contact ang mga magka kauri. Katulad ng nangyari sa amin ngayon ni Mama.


"Kelan mo pa nalaman? One year ago.. biglang bumalik ang mga alaala ko. Iisa lang ang ibig sabihin non. Oras na malaman ng Queen ang responsibilidad niya ay babalik ang alaala nang mga nakalimot.." hinarap niya ako at hinawakan ang mukha ko, "Anak.. I'm sorry dahil sakin naging ganyan ka.. Hindi mo na mararanasan ang pamumuhay na tahimik." nag simula ng mamasa ang mga mata niya kaya niyakap ko siya.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon