-12-

406 30 0
                                    

LEE'S POV



Nagising ako ng maaga at nagulat dahil andito na ako sa kwarto ko.


'alam ko nakatulog ako sa sofa ah?'


Tumayo na ako at pumunta ng CR para maligo. Habang nagsusuot ako ng bathrobe ako ay may kumatok sa pintuan at pumasok. Binuksan ko naman ang pintuan ko dito sa CR.


"Ano? Kamusta tulog?" Kai.


'hindi talaga uso ang salitang privacy sakanya!'


"Ang aga mo namang mambulabog.." pinupunasan ko na ang mukha ko at tinignan siya sa salamin. "Oh ano? Ibabalandra mo yang abs mo?" pumunta ako sa walk in closet at binatuhan siya ng isang t shirt na malaki sakin, "mag bihis ka nga, hindi ako natutuwa sa katawan mo." tumawa naman siya at sinunod ako. Tumalikod naman ako sakanya at nagsimula ng maghanap ng masusuot sa training.


Naramdaman kong yumakap siya sa bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko.


"Namiss kita, Queen.." napangiti naman ako at tinanggal ang pag ka yakap niya sakin. Humarap ako sakanya at hinawakan ang pisngi niya.


"Hindi mo na dapat ginagawa to.. Pag ikaw nasanay at nakita ni Ate ang side mo na to nako baka mag ka World War III!" natatawang sabi ko pero hinalikan ko siya sa noo. "Damn. I can't afford to lose you." ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.


"Hindi ako mawawala sa buhay mo. Wag kang magalala"


"Sige na sige na. Ang drama na natin. Mag bibihis lang ako labas ka muna."


Lumabas na siya at sinuot ko na ang itim kong racerback at gray sweatpants. Tinali ko ang buhok ko at lumabas na sa walk in closet.


"Tara na? Gisingin na natin sila." kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message. "Oh. Nag text si Tito."


"Ano daw?" tumayo siya sa kama at inagaw ang phone ko.


"Ano ba! Bastos ka, binabasa ko pa eh!" inis kong kinuha ulit yon at binasa ulit.


Napatingin ako kay Kai at ngumisi.


"May pupuntahan tayo mamaya." parang alam naman niya na ang tinutukoy ko at ngumisi din.


'dumating na sila..'



MARK'S POV




Andito kami sa loob ng isang limousine at pansin kong hindi mawala mawala ang ngiti nila Kai at Lee!


Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon