-20-

294 27 2
                                    

LEE'S POV




Sunday ngayon at magsi simba kaming lahat. Naka suot ako ng ripped black jeans at Neoprene Bustier na pinatungan ko ng puting coat. Nag suot din ako ng puting pumps.


Biglang may kumatok sa pintuan ko at pinapasok ko naman yon.


"Can you run using that?" turo ni Mark sa pumps ko. Tumango naman ako at tinali ang buhok sa bun. "Ikaw nalang iniintay.. Ung mga gamit mo? Dala mo na?" tumango ulit ako at kumuha ng mga extra na magazine.


"Ikaw? Kargado ka na? Hindi imposibleng atakihin tayo ng mga ulul na yon." tumango din siya at pinakita ang dalawang Mac 10 na naka tago sa ilalim ng jacket niya. "Magazines?" may kinuha siya sa bulsa niya at pinakita ulit un sakin. "Good. Let's go."


Sabay na kaming bumaba sa hagdan at naabutang nagku kwentuhan ang mga tao.


"Let's go?" tumango naman silang lahat at lumabas na kami ng bahay at pumunta sa parking lot. Pinatawag ko si Mang Cardo at sinabing siya ang mag drive kela Mama. Ung Prado ang gamit nila.


Kaming pito naman ay gamit ang Aventador namin dahil doon naka lagay ang mga gamit namin.


"Follow me.." tumango sila at nauna na akong umalis. Mga 15 minutes lang ay andito na kami sa tapat ng simbahan. Tahimik akong nag masid sa paligid at nakita ko agad ang isang itim na van sa malayo.


'nauna pa sila samin ah?'


Pinauna kong pumasok ang pamilya ko at tsaka ako lumabas.


"King, sundan mo ko." tumango naman siya. "Siguraduhin niyong walang makaka galaw sa kanila, maliwanag?" tumango naman sila Blake, Lyn, Matty, Kai at James.


Pinanood ko pang kunin nila ang mga gamit nila at pumasok sa loob. Kung pano nila nabitbit ang mga spear, bow, katana at latigo nila sa loob? Ako mismo ang nag disenyo non. Ang bow ni Lyn ay nakatago bilang lipstick tutal mahilig siya mag ganon. Ang mga spear nila Matty at James ay nakatago bilang isang mechanical ballpen na kapag pinindot mo ay mag iibang anyo to. Ang katana naman ni Blake ay nakatago bilang isang stick na yari sa bakal. Kulay itim at pula yon. Ang latigo naman ni Kai ay nakatago bilang isang cord. Naka ikot yon sa loob ng bulsa ng pants niya na kapag winasiwas mo ay biglang magiging isang whip na maraming patusok yon. Ang espada naman namin ni Mark ay nakatago bilang isang belt na kapag hinatak mo ay biglang magiging ganap na espada siya.


Nag simula na akong mag lakad papalapit sa van na yon at pansin kong nag labasan ang mga tao non sa loob. Pito sila at nainis ako ng makita ko ang mga mukha nila.



"Long time no see, Queen." sinimangutan ko naman si gago. Mga tao nila Seth to e. "Sino yang kasama mo? Ang payat niya naman." narinig ko ang pag kasa ng baril ni Mark kaya nilingon ko siya.


"Don't." humarap ulit ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin. "Bakit andito kayo?" ngumisi naman sila.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon