-35-

261 32 9
                                    

MARK'S POV





Nang mahuli ko si Julie ay malakas siyang tumawa at hinarap ko naman siya. Pipisilin ko na sana ang ilong niya ng biglang...


'nahimatay siya!'


Buti nalang ung isang kamay ko ay nasa bewang niya kaya nasalo ko agad siya.


"Baby?" tinapik tapik ko ung pisngi niya at nang hindi siya nag respond ay dali dali kong tinawagan si Dad.


Dalawang ring lang ay nasagot niya na agad.


"Hello son.."


"Dad... Normal lang bang mahimatay si Julie dahil sa pag kawala ng kwintas niya?"


Umubo ubo pa si Dad at parang natatawa pa nga siya!


"Yes son. Normal lang yan, mag intay ka ng 10 - 15 minutes, magigising din yan." tumango tango naman ako kahit hindi niya ako nakita. Lol.


"Oh. Okay.. Thanks!" binaba ko na ang tawag at binuhat si Julie na parang pang bagong kasal.


'practice practice din..'


Nakaka isang hakbang palang ulit ako ng mag vibrate ang phone ko. Kinuha ko yon at binasa ang text ni Dad.


Ilayo mo siya sa mga tao, baka mag bloodlust nanaman yang babae mo.


Napa iling nalang ako at nag lakad na ulit.


'kinginang bloodlust yan'


Nasa parking na ako ng MC nang biglang lumapit sakin si Ate Niks at tinanong agad ako. "Anong nangyare?!"


"Hindi ko alam... Bigla nalang siya hinimatay nung nahuli ko siya at buti nalang nasalo ko siya agad." nawala naman na ang pag ka kunot ng noo niya at inalalayan nalang ako. Umupo na kami sa tatlong pinag dikit dikit na table at kinandong ko sa akin si Julie. "Intayin nalang natin siya magising. Sabi naman ni Dad mga 10 - 15 minutes ay magigising na siya." tumango lang sila at nag kwentuhan muna kami.


"Grabe ung story nung Tiger Queen no?" pag bubukas ng topic na sabi ni Katerina. Ngumiti naman ako ng onti. Kinakabahan ako dahil baka mag bloodlust to si Julie!


"Oo nga eh! Pag ako siguro nakita ko ang Tiger Queen mag papa autograph ako!" sinipa ko naman ang paa ni Matty at pinanlakihan siya ng mata.


'tangina mo pre pag tayo talaga nahalata, tangina mo!'


"Talaga?" Katherine habang pinanliliitan ng mata si Matty.


"H-Hehe oo n-naman! Idol ko na yon simula ngayon!" ngingiti ngiting sabi niya at tumango naman si Kath sa kanya.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon