LEE'S POV (2:30 PM)
Pagkatapos kong ituro kung saan ang kwarto nila ay mabilis akong bumaba at nagtungo sa kusina upang magluto ng aming early dinner..
"Ya, ako na po magluluto, magpahinga na lang po kayo." nakangiting sabi ko kay Yaya. Hinahanda na niya ang mga kaldero at siyanse nang makarating ako.
"Sige iha, salamat.." at lumabas na siya.
Tumingin ako sa ref at tumunganga sa harap nito..
'ano kayang maluto?'
Nilabas ko lahat ng ingredients na kailangan ko at nagsuot na ng apron. Nag isip isip muna ako at maya maya ay nagluto narin.
~ after 3 hours ~
"Haaaay. Natapos din!" Nakakapagod talagang magluto! Tinikman ko muna ito bago ko pinatay ang gas at kumuha na ng mga plato, kutsara at tinidor.
"Yaaaaaa! Pakitawag na po silang lahat! Salamaaat!" pumunta ako sa dining table at inayos don ang mga plato. Inalis ko rin muna ang mga tinapay na nakadisplay doon at inilapag muna sa kitchen counter iyon. Sumilip ako ulit sa hapagkainan at tinignan kung ano pa ang kulang dito.
'mga baso pa pala..'
Bumalik ako sa kitchen at kumuha ng mga baso. Nilagay ko yon sa tray at bumalik sa dining room.
"Hi po!!"
"Shit!" muntikan nang mahulog ung tray na hawak ko sa gulat! Nilapag ko yon at tinignan ang batang babae na to.
"S-Sorry po! Nagulat ko po ba kayo?" inosenteng tanong ni Rita. Ang pinakabata sa pamilyang Tan.
"Hindi naman baby.." nakangiting sabi ko.
Inayos ko ulit sa table ang mga baso at binuhat si Rita.
"Dito ka lang ha? Wait mo sila, may kukunin lang si Ate sa kusina.."
"Okay po!"
Bumalik nanaman ako sa kitchen at binuksan ang cabinet. Kumuha ako ng mga coke at kung sansan ko inipit sa katawan ko.
'okay na siguro tong limang bote...' lumabas ako sa kitchen at nakita kong nagulat si Rita sa itsura ko. Nilapag ko na yon sa table at hinarap si Rita.
"Baby, magbibihis lang si Ate ha?"
"Sige po, Ate!" masiglang sagot niya.
Hinubad ko ang apron ko at isinabit yon sa pintuan. Umakyat ako sa kwarto ko at nagshower saglit.
'namimiss ko ng makipaglaban...'
Tinapos ko na ang pag shower at kinuha ang towel. Papalabas na sana ako nang may narinig akong mga yapak sa labas.
'damn it! sino nanaman to?!'
Hinigpitan ko ang ikot ng towel sa katawan ko at inangat ang pinakadulong sahig sa banyo upang kunin si Maxi, ang Colt Python ko.
Agad akong tumayo at lumapit sa pintuan.
'holy cow, joke lang ung namiss kong makipaglaban!' huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang pintuan.
MARK'S POV
Nagising ako nang may narinig akong boses sa labas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...