-17-

330 28 2
                                    

THEA'S POV



Umaakyat na kami ngayon sa yate na pag mamay ari daw ni Julie.


'nag tutulak ka ba ng shabu, Julie?! bakit ang yaman yaman mo at meron ka pa nito!'


Pag ka rating namin sa taas ay may nakita kaming dalawang nakatalikod na babae at lalake. Bigla naman silang tumayo at humarap samin. Natigilan kaming lahat at si Mang Ricardo naman ay dumiretso kay Miss Lee at niyakap siya.


'this can't be happening!'


Gwapo ang lalake na kasama niya at si Miss Lee naman ay nakatingin parin samin. Siniko naman siya nun at parang bumalik na siya sa katinuan.


"Hi.." she waved at us and none of us even moved a little!


"A-Asan si Julie?" biglang sabi ni Kuya.


Bigla namang may lumabas na apat na lalakeng naka sando at isang babae na naka dress din na katulad ng may Miss Lee.


"Ohh~ Andito na pala sila Tita at Tito.. Hoy batiin natin!" lumapit sila samin at nag bless ke Mama at Papa. Namukhaan ko naman ung isa at kundi ako nag kakamali ay si Kai yon.


"Hello po Tita, Tito!" tumango naman at ngumiti ng tipid sila Mama.


"Psst! Kuya dito muna kayo.." biglang sabi nung katabi ni Miss Lee.


Sumunod naman sila at pumunta sa likod nila.


"Mawalang galang lang ho, Mang Ricardo sabi niyo mag papa kita na si Julie? Kung ganon ay asan na siya?" parang nauubusan na pasensyang tanong ni Kuya.


"Andito ako.." nag salita si Miss Lee at unti unting tinanggal ang maskara niya. Inangat niya ulit ang ulo niya at putangina. After all this time, si Lee at Julie ay iisa?!


Unang naka bawi ay si Mama. Agad niyang nilapitan si Julie at niyakap siya.


"Hindi nga ako nag kakamali.. Ikaw nga si Julie!" umiiyak na si Mama ngayon at niyakap naman din siya ni Julie.


"I'm sorry.." bumitaw na siya kay Mama at humarap kay Papa. Unti unti siyang lumapit sakanya at nang buksan ni Papa ang kanyang mga braso ay agad na tumakbo si Julie don at niyakap si Papa. Inikot ikot niya si Julie at kaming tatlo naman ay maluha luha na dito!


"Bunso.." natigilan siya at napaharap kay Kuya.


"Kuya!" lumapit din siya kay Kuya at niyakap siya.


"Namiss kita bunso..." hinalikan ni Kuya ang noo niya at napa ngiti naman siya don. Napatingin siya saamin ni Chesca at dahan dahan siyang lumapit samin.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon