MARK'S POV
Pagka tapos ng MAHC namin ay pumasok ang isang lalake na parang kasing age lang ni Matty.
"Magandang hapon." naka ngiting bati niya. "Ako si Arnold Gamba."
'gagamba! hahahaha!'
"Magandang hapon rin ho." bati naman namin.
"Papano? Simula na tayo?" kahit nagulat kami dahil hindi niya na inalam ang mga pangalan namin ay tumango nalang kami.
"Weird." bulong ko.
"Oh fuck!" biglang napa sigaw si Julie at gulat na gulat na nakatingin kay Mr. Gamba.
"Excuse me?" naka kunot na noong tanong niya. Napa iling naman bigla si Julie at biglang ngumisi.
"I'm sorry Mister." hindi ko alam kung ako lang ang naka pansin non pero parang diniinan niya ang pag salita ng 'Mister'.
"It's okay.." takang sagot ni Sir at nag sulat na sa whiteboard.
~after one hour~
"Okay. Class dismissed!" tinapik niya pa ng dalawang beses ang table at lumabas na siya. Nag paalam din si Julie na lalabas muna. Medyo natagalan siyang bumalik at nang makabalik na siya ay after five minutes ay may pumasok naman na medyo maliit na babae na may salamin sa taas ng ulo.
"Magandang hapon. Ako si Marie Lorde Dauz, ang Teacher niyo sa Filipino. Ako ay wala pang asawa." binaba niya ang dalawang libro na hawak niya sa table na para sa mga teachers at tinignan kami ng seryoso. "Unang una!" biglang sigaw niya at nagulat naman ang iba naming kaklase na naka upo sa harapan. "Hindi ako mahilig makipag biruan. Gusto ko tuwing nagtuturo ako ay naka tingin kayo sa mga mata ko. Walang iba kundi sa mata ko, naiintindihan niyo ba ako?" pinanlakihan niya ng mata ang mga nasa first row at mabilis naman sila mga tumango. "Wala akong pake kung anong estado niyo sa buhay. Anak man kayo ng may ari ng Unibersidad na ito ay wala akong pake!" naka tingin siya sa aming dalawa ni Kuya nang sabihin niya iyon.
'anong pinagsasabi nito, Lord?'
"Wala akong pake kung mga tagapag mana kayo ng mga kumpanya o na kahit ano na pwedeng mamana!" tumawa naman ang ibang mga kaklase ko kaya nanliit ang mga mata ni Miss Dauz. "May sinabi ba akong nakakatawa?!" mabilis pa sa alas kwatro sila umiling at napa ismid naman si Miss. "Pwes wala kayong karapatang tumawa. Pumasok kayo dahil kailangan niyong matuto! Hindi mag marunong, mag hasik ng lagim, makipag lampungan sa mga syota niyo dahil wala ang mga magulang niyo dito at mag yabang!" nag baba naman ng tingin ang iba at may naramdaman naman akong kakaiba bigla.
Bigla akong napa tingin kay Julie at nakita kong nanginginig ang kamay niya sa ilalim ng table ngunit mas nagulat ako ng makitang nakalabas ang mga kuko niya! Inurong ko unti ang upuan ko at nagpa salamat naman ako sa Diyos ng hindi ako napansin ni Maam.
"Baby.." mahinang tawag ko at hinawakan ang kamay niyang nanginginig. "What's happening to you? Is everything's fine?" nag aalalang tanong ko. Nararamdaman ko ang galit niya at hindi ako mapakali dahil doon.
Umiling naman siya. Pinagsiklop ko naman ang kamay namin bagaman naka labas parin ang kuko niya. Maya maya lang ay humupa na ang emosyon niyang nararamdaman ko at naka tago narin ang mga kuko niya.
"Kayong dalawa!" nagulat naman ako ng bigla kaming tawagin ni Maam. "Makinig kayo!" galit na sigaw niya. "Hindi lahat ng tao pinagbibigyan ko. Kuha niyo?" tumango naman kami. "Good. Ngayon buksan niyo ang mga libro niyo sa pahina sampu!" nag simula na siyang mag turo at kahanga hangang hindi nakaka antok ang subject niya. Naka tingin lang sa labas ng bintana si Julie at lumilingon lang kapag nagtatanong ang teacher.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
AksiLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...