-50-

53 8 1
                                    

MARK'S POV


Ilang buwan nang nakaratay sa kama si Julie ngunit hindi parin siya nagigising. Hanggang ngayon ay mayroon paring mga luntiang ugat sa kanyang mukha kahit na wala naman na siyang mga sugat o tama ng bala..

"Good morning, love.." bati ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya. Lumapit naman ako sa kanyang ulo at marahang hinalikan ang kanyang noo. "It's been 3 months... Miss na miss na kita mahal.." hinimas ko ang kanyang ulo at tinalikuran siya upang mag handa ng aking umagahan.

Paliko palang ako ng kusina nang marinig kong tumama ang bakal na kinasasabitan ng IV bag ni Julie sa kanyang higaang bakal. Nanlalaking mata kong nilingon ito at halos liparin ang kaluluwa ko sa tuwa nang makita kong gumalaw ang kanyang kamay. Lumapit ule ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"M-Mahal? Can you hear me??" Tanong ko habang marahan na niyuyugyog ang kanyang balikat. "Julie??" Nang sabihin ko ang pangalan niya ay agad na nag bukas ang kanyang mga mata. Nasilayan ko ang itim niyang mata ngunit kalaunan ay lumiit ito at bumalik sa dati nitong kulay. "Sesanghe.. I-I need to update Dad!!" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa ngunit marahas na hinablot ni Julie ang kamay kong nasa loob ng bulsa. "W-What.. why?"

Umiling siya at binuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas dito. Pumikit siya ulit at kitang kita ko ang pag taas ng kanyang dibdib na para bang hirap na hirap siya sa kanyang sasabihin.

"Anong gusto mong s-sabihin?" Tanong ko at hinawakan ang kanyang kamay. "H-Hey.. You don't need to worry.. Andito lang ako.." binuka naman niya ulit ang mga mata niya ngunit lalo akong kinabahan sa itsura niya. Punong puno ng hinanakit at pagkabigo ang kanyang mga mata.

"I h-heard everything.." nanghihinang sambit niya. Umupo naman siya at taimtim akong tinitigan. Kumunot naman ang noo ko at hinayaan muna siyang mag salita. "F-From the moment I c-collapsed.. I heard everything.." nang mapagtanto ko ang kanyang sinasabi ay agad ko siyang hinagkan.

"Shhh... Please don't think about it first.." bulong ko sa kanyang tenga at huminga ng malalim. "Please don't believe it. Please tell me that... that it's a lie.." nanghihinang pakiusap ko.

Yes. Up until now ay ayokong maniwala na totoo ang sinasabi sa libro. Araw araw kong kinakausap ang mga tao sa itaas na kung sana ay walang mangyaring masama sa kanya..

"N-No.." umiiling na sagot niya. "I've seen everything.. Nakita ko kung paano nasira ang mundong ibabaw dahil sa akin. The Gods from the above were threatened by my existence. T-They will do anything to destroy the world we're living in.." kumalas ako sa kanya at tinignan siya ng gamit ajg mga bigo kong mata.

"You.. You'll sacrifice yourself??" Di makapaniwalang tanong ko. "You know that I'll die too once you kill yourself, right?" Napapaos kong sabi sa kanya dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganito. Napakaraming paraan upang di matuloy ang propesiyang iyon.

"No.. You will not die once I offered myself to them.." naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya hindi ako sumagot. "I have to talk with them." Tulalang sabi niya. "Please call the Dark Emperor and his wife. I need to clarify all of this with them." Bagaman ayokong tawagan sila dahil hindi ko pa siya nakakamusta ay sinunod ko rin agad ang kanyang utos.

Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang pangalan ni Dad. Habang inaantay siyang sagutin ito ay nakita ko kung pano ako pag masdan ni Julie. Nang makita niya akong pinapanood siyang panoorin ako ay ngumiti siya ng tipid. Ginantihan ko naman ang kanyang ngiti ng marahan na halik sa kanyang labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon