CHESCA'S POV (1:30 pm, February 10)
"Hi dad." bati ko kay papa na kakauwi lang.
"Hello anak.. Mga kapatid mo?"
"Pauwi na daw po sila. Kasabay na nila si Mama.." umupo na ulit ako sa sofa at tinuloy ang pag twitter.
"Sige, magbibihis lang ako."
"Ok po." scroll lang ako ng scroll hanggang mawalan ako ng gana sa mga nakikita ko. "Haaaay wala bang ex-" naputol ang sasabihin ko ng may nakita ako. Napatayo ako bigla at binasa ito ng malakas, "EXO: The Lost Planet Tour" binasa ko pa ito at inintindi.. "FEBRUARY 17, 2014. OMAYGAAAAAAAAAAAAD!"
Nakarinig ako ng mabibigat na yapak sa taas at sumilip si papa sa hagdan, "Ches! Ano yon?!"
"W-wala po!" sagot ko.
Napatingin ako bigla sa pintuan dahil may kumatok don. Bumukas yon at nagulat.
'oo nga pala sila mama.."
"Hi anak.."
"Hello ma!" humalik ako sa pisngi niya at tinignan sila ate at kuya.
"Musta araw mo, Ches?" tanong ni mama ng makaupo kami.
"Ok lang po hehe..." tumigil ako at humarap kay mama, "Maaaa! May concet ang EXO dito!!"
"Mm.. Kelan?"
"Sa birthday ko ma!" nakangiting sabi ko. Nagiba ang itsura ni mama at napatayo.
"B-bakit po ma?" nagtatakang tanong ko at napatayo rin.
"Wala anak.. M-magbibihis lang ako ha?" hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na umakyat si mama sa kwarto nila ni papa.
"Di mo pa ba alam?" Kuya.
"Ang alin?"
"Ung tungkol kay papa. Tch." Ate. Umupo na ulit ako at nakinig sakanila.
"Ano ba y-yon?" kinakabahang tanong ko.
"Tinanggal si Papa sa Sibjaga."
"What the hell?!" gulat na sigaw ko. "They can't do that to our father! Almost two years na niyang pinapatakbo ang kumpanyang yon!" naiiyak na sigaw ko.
"But they just did, anak." malungkot na sabi ni papa na nasa likod ko. Humarap ako sakanya at nagsalita ulit siya, "Im sorry...." niyakap niya ako at tuluyan nakong umiyak. "Mawawala na tong bahay satin.. B-Binabawi na nila to.."
'pero binigay na nila samin to ah!' lalo akong umiyak at lumayo kay papa. "H-hanggang kelan nalang tayo dito?"
"Hanggang 15 nalang, anak. Nagha hanap na kami ni Papa mo ng malilipatan..."
Tumango ako ng ilang beses at mabilis na umakyat sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama.
'malapit na akong mag debut.. at iisa lang ang wish ko at un ang makita si Kai...' naiiyak na isip ko. Matagal akong nakatingin lang sa kisame ng may narinig akong ingay sa labas ng pintuan.
baby don't cryyy tonightttt ~
Napatayo ako at binuksan na ang pintuan.
"H-hehehe!" sabi ni LA. Louise Anne Cruz. Ang bestfriend ko. Nakasandal siya sa pintuan at nakatapat ang speaker ng iPhone niya sa gilid ng pintuan ko.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...