-7-

513 33 0
                                    

THEA'S POV (February 16)



Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa lintek na doorbell na kanina pa tumutunog.


"Lintek, wala bang ibang nakakarinig non?!" inis na bulong ko habang nagsusuot ng bra,


'oo bra talaga! mamaya pogi ung nagdo doorbell e. lol'


Nagmadali akong bumaba at papalapit na sana ako sa pinto ng biglang huminto ang pag tunog ng doorbell.


"What the hell?" nagtatakang sabi ko at minadaling buksan ang pinto.


Wala akong nakitang iba maliban sa box na mukang regalo sa labas ng gate. Lumapit ako doon at lumabas dahil may kalakihan yon.


'sino naman kaya ang magbibigay ng ganito?' takang isip ko. May kabigatan din kasi ang kahon.


Pumasok na ako sa loob at inilapag ito sa table sa sala. Nagluto ako ng breakfast at matapos ang isang oras ay ginising ko na silang lahat.


Nakaupo na kaming lahat sa table at ng matapos na ay dumiretso kami sa sala,


"Ano yan?" tanong ni Chesca.


"Aba malay ko, malamang sa alamang sayo yan dahil bukas na ang birthday mo neng!"


"Tch." singhal niya.


Umupo kaming lahat don sa sofa at si Chesca ay nakaupo sa harap namin. Binuksan niya na yon at may kinuha siyang envelope at binasa. Mabilis na nangilid ang luha nito at dahan dahang tumingin samin.


'what the hell...again?!'



CHESCA'S POV



Agad kong binuksan ang box at kinuha ang envelope at binasa. Nanigas ako at mabilis na nanlabo ang mga mata ko,


Hi Ate, Happy birthday in advance! Sorry di ako makakapunta ha? Sana ma enjoy mo tong gift ko sayo.. Miss ko na kayo! Haha.. See you soon! I love you all so much.


Ps: I'm always watching all of you..


 -Julie.


'mahal na mahal rin kita..'


Dahan dahan ay inangat ko ang ulo ko at tinignan sila. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at binigay sakanila ang letter, "si J-Julie.." hagulgol ko. Namimiss ko na ng sobra ang kapatid ko.. Nang mabasa ni Daddy ang letter ay agad niya akong dinaluhan at pinatahan.


"Malapit na siyang bumalik..." nakangiting sabi ni Mommy.


Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon