LEE'S POV
Nag simula na akong umatake sa kanila at nakita kong nag a assemble narin sila ng mga weapons nila. Sumugod na rin sila at nag simula na ang madugong bakbakan dito sa parking lot.
"Queen! Hindi natin sila kakayanin!" napa daing si Kai dahil may naka sapak sa kanya. "Damn you!" hinampas niya yon ng latigo at gumuhit sa mukha ng lalake ang sakit.
Binitawan ko na ang AK-47 dahil parang may kulang sakin. Nilabas ko na ang claws ko at walang awang pinatay ang mga tauhan nila Seth.
"Ma!" tinignan ko si Mama na sumusugod din. Naka labas na rin ang mga claws niya at nang tignan niya ako ay pula narin ang mga mata niya. "Protektahan mo sila Papa! Kami na dito!" tumango naman siya at lumipat sa pwesto nila Blake.
"Q-Queen! Ang P-Princess!" napatingin ako sa gawi nila Blake at nakita kong nasa lapag si Lyn na parang nag ka epilepsy. Nanginginig ang buong katawan niya at nabahala ako don! Papalapit na sana ako nang biglang tumigil siya sa at dahan dahang tumayo. Unti unti niyang inangat at ulo niya at nagulat ako!
'ang mga mata niya!'
Kulay pula na siya at bigla nalang siyang sumugod na walang dala na kahit ano.
"B-Babe!" biglang napa sigaw si Blake kaya pinakyuhan ko siya.
"It's Princess, fucker!" napa iling nalang siya at patuloy na prinotektahan ang pamilya ko. Napansin kong parang wala sa wisyo si Kai at parang may malalim na iniisip...
Napa ngisi ako nang napa tumba ko ang pinaka huling tauhan nila. Nililibot ko ang paningin ko ng biglang may narinig akong bumagsak.
*dug*
"Babe!" pumunta naman ako sa gilid niya at ako na mismo ang bumuhat kay Lyn. "S-Saan mo siya dadalhin?"
"Ako na mag uuwi sa kanya. Papa daanan ko nalang ung kotse ni Lyn.." pumunta na ako sa kotse ko na naiwan kong naka bukas.
"Bilisan niyo, baka may sumunod pa." tumango naman sila at mabilis na umalis don.
'alam ko ang nangyayari kay Lyn.. hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon lang nangyari yon?'
Maraming dugo ko ang isinalin kay Lyn. Alam kong umipekto ang dugo ko sakanya.
'nakuha niya ang lakas at ang mga mata ng Tigress.'
Habang nag bubukas ang gate ay hinawakan ko ang kamay ni Lyn. Hindi nga ako nagkakamali. Isa na siyang half-blood. Bigla siyang nagising at napa ngiti ako.
"Hi.." napa tingin siya sa wrist niya na hanggang ngayon ay umiilaw parin. Binitawan ko na yon at napa nganga naman siya.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...