MARK'S POV
Kasalukuyan kaming naka upo sa kama ko at wala ni isang nag sasalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"I'm sorry, Julie.." naramdaman kong lumingon siya sakin kaya sumandal ako sa headboard. Gumaya din naman siya.
"Bakit ka ba umalis?"
"Hindi ko alam.. Bigla nalang kami pinatapon ni Dad sa Korea. Kahit ilang beses namin siyang tanungin ay hindi niya kami sinasagot.." sumimangot siya at natawa naman ako.
"That old bastard!" hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sakin.
"Ikaw? Anong ginawa mo nung nawala ako?"
Ngumiti naman siya, "Hinintay kita.. Ilang buwan ako nagpa balik balik sa park at umaasang nag ka sakit ka lang o ano. Pero wala eh.. Napagod din ako kaya ayun bumalik nanaman ako sa boring na buhay."
"Yun lang ba? Pano kayo nagka kilala ni Dad?" kinuwento niya naman sakin at don ako nalaman kung bakit miss na miss niya na ang pamilya niya.
"Two years ka ng hindi nag papakita sa pamilya mo?" tumango naman siya.
"Bukas.. Makikita ko ang dalawa kong ate. Kinuha ko silang Model ng Sibjaga." napalingon naman ako sakanya.
"Sila lang?"
"No. Kami pa ni Lyn. Apat kami pero sasama kayong lahat."
"Ano ba ang company mo?"
"Puro mga armas at kotse. May mga bago pa nga ako ulit eh." ngumisi naman siya.
"Ano un?" takte tong babaeng to, ang yaman!
"LL's hotel and Restaurant." humarap siya sakin at hinawakan ang mukha ko. "Lewis Lim. Para sa kuya ko." natuwa naman ako sakanya.
"Unti unting natutupad ang mga pangako mo ah?" tumawa naman siya bago tumango at bumalik sa dati niyang pwesto.
"Hindi ako marunong hindi tumupad ng pangako.." pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at humarap ulit sakin. "Si Ate Thea ang magiging Heiress ng Sibjaga. Si Kuya ang mag papatakbo ng LL's H & R. Si Ate Chesca? Kami ang magiging owner ng bagong mall na tinatayo sa siyudad. And as for my parents, I just want them to enjoy living their lives with all those fucking money I got from kicking someone's fucking ass!" natawa naman ako sa huling sinabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Damn. I'm so proud of you! Hindi ko alam ganito kautak ang first love ko." i kissed her hand at lumigon naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
AksiLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...