Kabanata 13

3.9K 127 16
                                        

Anabella

“Bakit mo pala ako inaya para sa ganitong trip mo? Hindi naman kita ka-close,” puna ko nang maalala ang bagay na iyon.

Hindi ito nagsalita agad, kaya naman natahimik ako sa gilid.

“Gusto kitang makilala nang lubos . . .”

Huh?

Hindi ko alam pero may kung anong klaseng bagay na nagkagulo sa sistema ko sa narinig mula sa pangahas nitong bibig. Tumikhim ako at inignora ang nararamdaman.

“Para saan pa? Aalis na rin naman na ako sa mga susunod na araw.”

Nilingon ako nito at hinila paalis doon kaya nangunot ang noo ko. “Sumakay ka na. We’re going somewhere,” tila badtrip na turan nito kaya hindi na ako umimik pa.

Sabay kami habang nasa kalsada. Hindi ko naman alam kung saan nito balak magtungo kaya naging sunod-sunuran ako rito.

Hanggang sa napansin ko na pabalik na kami sa aming lugar. Pero imbis na pumasok sa looban ay nagdire-diretso kami sa kalsada. Saka ko lamang napagtanto na papunta kami sa parke nang mapansin ko ang daan na tinatahak namin.

Pagdating namin sa mahabang daan na pasyalan ay napangiti ako nang bahagya. Nami-miss ko na naman ang pasyalan na ito sa tabi ng parke.

Napansin ko na bumaba ito ng bisikleta pagdating sa entrada ng park, kaya naman bumaba rin ako at naghintay ng gagawin nito.

“You want ice cream?”

Umiling lamang ako bilang tugon. Pagpasok namin sa parke ay tuluyan akong napangiti. Nag-bloom lamang lalo ang kagandahan ng parkeng ito sa paglipas ng panahon. Dumami ang mga naggagandahang bulaklak at mga palaruan.

“This place is memorable for me,” imporma nito bago maupo sa duyan matapos itabi ang mga bisikleta. Nilingon ko ito na nasa katabing duyan ko lamang.

“Why?”

Natawa ito nang bahagya at nailing sa sarili. “Dito ko binugbog ang lalaking pinagseselosan ko noong panahon na gago pa ako.”

Natigilan ako at tumabingi ang ulo sa pag-iisip. “Dito mismo?”

“No. Actually, doon lang sa labas banda.” Muli itong napailing-iling na para bang naiinis sa sarili. “Napakagago ko noon para gawin iyon. Isang duwag at takot dahil alam kong hindi ako gusto ng babaeng gusto ko. Mas gusto niya ’yong lalaking iyon.”

“Why are you saying this to me?” kunot-noo kong tanong.

Napangiti ito nang hilaw at tinanaw ang kawalan. “I’m crazy . . .” Nagtiim-bagang ito. “I’m really sorry kung sa iyo ko ito sinasabi. For the past decade, my nightmare is still hunting me. Kahit sa kampo namin, hindi ako tinatantanan ng imahe niya. I don’t know, I don’t really know w-what to do. Ikaw lang ang pinagsabihan ko nito,” anito kaya para bang pati ako ay mababaliw rito.

“Subukan mo kayang magpatingin sa eksperto. Baka riyan ka pa mabaliw,” komento ko at nag-iwas ng tingin.

“Please, help me,” nagmamakaawa na turan nito kaya lalo akong naasiwa.

“Sa eksperto nga, ’di ba? Eksperto ba ako?” Gusto kong mainis dito dahil tila may binabalak itong hindi ko magugustuhan.

“No, no. Just stay by my side, Anabella. You make me calm, so I thought if you stay by my side, I will overcome this stress and I will be okay,” pangungumbinsi nito na ikinangasim ng mukha ko. Nang tila hindi ako nito madala sa nais niya ay dinugtungan nito ang sinasabi. “I can give you a job. Kaya kong doblehin ang sahod mo, or triplehin. If you want, I will grant your wish. Just take care of me. Deal?”

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon