Kabanata 16

3.9K 122 22
                                        

Anabella

“What’s that? A diary?”

Mabilis kong naitago sa bag ang hawak nang may bigla na lamang nagsalita mula sa likuran ko.

Daig ko pa ang nagnakaw sa kilos ko kaya naman nagtaka ito nang husto.

“Hold on. Parang pamilyar sa akin ang notebook na iyan,” anito na kalaunan ay umangat ang sulok ng labi, saka ako pinagmasdan nang makahulugan.

Dagliang umilag ang mga mata ko mula sa mga mata nito. “Malamang. May pagkapare-parehas kasi ang disenyo ng ilang mga notebook. Pakialam mo ba?” dahilan ko ngunit tila wala naman itong pakialam sa sinabi ko. Ngumiti lamang ito bago ako ayain na kumain ng street foods sa labas ng parke.

“Puwede bang huwag mo akong hawakan?” Matalim ko itong tiningnan nang dumulas pa mula sa siko ko pababa sa kamay ko ang palad nito. Sumisimple pa, feeling close.

“Halikan mo muna ako, Kring-Kring. ’Yong may tunog.” Ngumisi ito na tila ba tuwang-tuwa sa pinaggagagawa niya. Kalaunan ay pareho kaming natigilan dahil sa itinawag nito sa akin.

K-Kring-Kring?

“Kadiri ka,” komento ko sa sinabi nito bago mag-iwas ng tingin. Hindi niya binawi ang itinawag niya sa aking palayaw, imbis ay nagawa pa nitong mang-asar lalo.

“Arte mo. Lawayan kaya kita . . .”

Akala niya ba nakakatuwa siya? Sa mga pinagsasasabi niya? Hindi ba siya nangingilabot? Hanggang ngayon ay bastos pa rin talaga siya. Noong nakaraan lang ay pinagdudahan pa ang pagkatao ko na tila ba may balak akong masama sa kanila, tapos ngayon, kung magsalita ay feeling close sa akin.

“Dugyot,” naaasar ko nang sambit bago mapairap. Tumingin ako sa manong na nagluluto bago ngumiti at bumati.

“Pardon?” Hindi makapaniwala ang katabi ko at talagang pinigil pa ako sa pagtusok ng fishball.

Banas ko itong pinagmasdan dahil naiinis na talaga ako sa ugali ng Evan na ito. “Dugyot ka. Pati ugali mo, dugyot. Hindi mo na ako kailangang lawayan dahil hindi naman ako nausog. Baka nga magkasakit pa ako dahil sa laway mo.”

Umawang ang bibig nito, malamang ay hindi inaasahan na sasabihin ko iyon sa harap niya.

Nang bumitiw ito mula sa paghawak sa akin ay ipinagpatuloy ko ang pagtusok ng fishball sa halagang limang piso. Ngunit ang lalaki, halatang hindi nagpapatalo. Malamang! Kahit kailan ay hindi naman siya nagpapatalo kahit na alam niyang may mali siya.

“Really? Baka naman kapag hinalikan ka ng dugyot na ito, mabaliw ka.”

“Puwede ba? Kaunti na lang talaga at iisipin ko nang mina-Mang Kanor mo ako. Stop it, please. Wala akong interes na magpahalik sa iyo.”

Tuluyang napigtas ang pasensiya ko rito. Kanina pa ako nangingilabot at kinakabahan sa mga pinagsasasabi niya, bakit hindi niya mapansin iyon?

Nang irapan ko ito ay nanahimik din ito. Hindi ko na ito inimik pa nang kumuha ito ng kwek-kwek.

Matapos naming magbayad ay muli kaming nagtungo sa loob ng parke upang kumain. Walang katao-tao roon kaya naman napakatahimik at nakakailang lalo.

Marahan kong nginuya ang kinakain habang iniiwasan ng tingin ang lalaki sa harapan ko na nakaupo. Ang kinalalagyan namin ay isang duyan na may dalawang upuan na magkaharapan—circular swing—kaya hindi ako makatingin nang diretso rito lalo pa at alam kong nakamasid ito sa akin.

Ano ba ang problema nito? Naiinis ako dahil naiilang ako!

“I caught you staring at my cousin, Alessandro, noong mga nakaraang araw lalo na noong gabing nakatambay kami sa lamay ni Mang Timoy. You like him?”

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon