Anabella
Matiim ko itong tiningnan bago matawa nang pagak. Tumusok ako ng pagkain gamit ang tinidor bago magsalita. “Why you look pathetic right now, soldier?” imbis na sagutin ito ay bumato ako ng isa pang tanong.
“Just answer me, woman.” Tila pigtas na agad ang pasensiya nito.
Lihim kong naikuyom ang kamay. Ang gaspang talaga ng pag-uugali. May nalalaman pa siyang sorry-sorry kanina. Tinaasan ko ito ng kilay at inabanduna ang pagkain na inihanda niya. Nakakawalang gana kung ganito ang kaharap ko sa pagkain.
“Hindi ko naman obligasiyon na sagutin ang mga tanong mo. Who are you?” Pabalag akong tumayo. “Demanding ang puta. Hanap ka ng kausap mo.”
Kung banas siya sa akin, mas banas ako sa kaniya ngayon.
Kinuha ko ang susi sa gilid at inalis ang lock ng pinto.
Sinundan lamang ako ng tingin ng Señor nang umalis ako sa lugar na iyon. Dali-dali ang aking ginawa upang makalayo lamang doon at makadiretso na sa aking ina. Mabibilis ang aking mga lakad kahit na alam kong hindi na ako sinusundan pa ni Evan.
Saka lamang ako kumalma nang masumpungan ko na si Mang Berong na naroon na. Isang matamis na ngiti ang naging pagbati ko rito bago nito iabot sa akin ang susi.
Bitbit ko ang isang plastik ng mga gatas at tinapay para kay Nanay nang pasukin ko ang tahimik na bahay-ampunan.
Dumeretso ako sa kuwarto nito at naabutan kong nakaupo sa kama. Napatigil ako at tumitig dito na nakatingin sa akin. Napangiti tuloy ako nang mapansin ang aliwalas sa mukha nito.
“Magandang umaga, Ma. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?”
Pag-abot ko pa lang sa dala ay agad niya na iyong kinuha at ngingiti-ngiti akong tiningnan.
“Okay lang, Sweetie anak. Masaya ako na makita kang muli. Sana nga, nandirito ka palagi,” anito na may pahabol pa.
Napamulagat ako at natigilan. Sa huli ay isang pigil na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Ma, kukuhanin kita rito, okay? We will live in Manila. Just wait a bit kasi isang linggo lang ako rito. Kaunting tiis lang naman at magkakasama na muli tayo,” natutuwa kong turan, and at the same time ay medyo nalulungkot. Alam ko na pagkatapos nitong pagdalaw ko ay maghihintay pa akong muli ng isa pang madaling araw para makasama siyang muli.
“Mang Berong, punta ho ulit ako rito bukas,” anas ko sa guwardiya na nakangiting tumango sa akin.
“Sige, hija. Ingat ka.” Sumaludo pa ito na ikinatawa ko na lamang.
Lumabas na ang haring araw nang makaalis ako sa lugar na iyon. Sa bayan ako dumeretso upang makabili ng lulutuin bago umuwi sa bahay.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang maabutan si Cahel na nakikipaglaro sa labas kasama ang mga bata. Nagluto lamang ako ng agahan bago magpahinga sa higaan at inaliw ang sariling pag-iisip.
Tahimik kong hinaplos ang dibdib habang nakasandal sa dalang bag, bago ibaling ang tingin sa labas ng bintana.
Hindi ko na naman maiwasang hindi alalahanin ang nakaraan ko sa lugar na ito. Miss na miss ko na itong lugar na ito, pero hindi ko talaga kayang magtagal. Mabigat pa rin sa dibdib.
Pilit na bumabalik ang mga alaala ko kung papaano ko saktan ang sarili noon—na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. So many ‘I shouldn’t have done that thing’ in my mind.
Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at hinayaan ang sarili na hilahin ng antok. Ngunit bigla akong napabalikwas nang may maalala.
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
Ficción GeneralMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...