Kabanata 23

2.5K 98 20
                                    

Anabella

Pagpasok namin ay madilim na ang kabahayan. Hindi ko alam kung bakit nasa labas pa ang Señor nang ganitong oras. Nasaktuhan pa tuloy ako.

Sumunod ako rito na tinahak ang madilim na bahay. Ilaw na mula lang sa flashlight ng phone namin ang ginamit namin. Napakatahimik na rin ng bahay nila. Tulog na ata ang mga kasama ng Señor dito.

Pero nang katukin nito ang pinto ng room ni Venus ay nalaman kong gising pa pala ito. Bukas pa ang ilaw at computer nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkakita sa akin, kalaunan ay napangiti nang malawak.

“Dito muna si Ate mo, Vivi,” anang Señor na agad namang tinanguan ng dalaga.

Nang iwanan kami ng Señor ay agad na isinara ni Venus ang pinto at hinila ako palapit sa kaniyang kama.

“Ano ang nangyari sa iyo, Ate?” aniya nang makaupo kami.

“Naubusan ako ng pasensiya sa kapatid mo,” bagot kong turan at napaiwas ng tingin. “Uuwi na lang ako sa Manila sa susunod. Wala naman pala kasi akong mapapala rito. Niloko lang ako ng kuya mo.”

Napamaang ito sa itinuran ko. “P-Papaanong niloko, Ate?”

Nangilid ang luha ko nang maalala na naman ang nangyari. Pinangakuan ko si Mama na malapit ko na siyang kuhanin kasi magkakapera na ako, maidadala ko na siya sa Manila. Pero tinarantado lang pala ako ni Evan. Lintek talaga ang lalaking iyon.

“Pinaasa niya ako. Akala ko totoo iyong mga pinangako niya sa akin noon,” gigil kong turan.

Hindi na rin naman ito masiyadong nang-usisa matapos niyon. Natulog na lang din kami, at kinabukasan ay alas siete y media na nagising.

Sabay pa kaming nagising ni Venus na agad nag-unat ng katawan.

“Salamat sa pagpapatulog mo sa akin dito, a? Good morning pala,” ngiting saad ko na ikinangiti naman nito.

“Wala iyon, Ate. Good morning din.”

Sabay kaming naghilamos ng mukha sa banyo ng kuwarto nito. Baby soap pa ang gamit nito at kung ano-anong pambatang produkto. Light pink and white ang kulay ng pader ng banyo nito kaya maaliwalas sa paningin. Pati ang towel nito ay light pink. Mukhang napansin naman nito ang tinitingnan ko kaya nahihiya itong nag-iwas.

“Sensitive po kasi ang skin ko. Madaling mairita sa matatapang na products kaya iba ang mga ginagamit ko kaysa sa mga kuya ko,” paliwanag nito na tinanguan ko.

Pagtapos namin doon ay inaya ako nito sa baba. Sa likod ng bahay nila ay naabutan namin ang mga pinsan niya na nagkakape na. Ang iba ay tinataga ang katawan ng puno ng saging para maibaba ang bunga niyon.

“Hey! Almusal na kayo!” Si Cain na may kinakalikot sa bike niya.

Sa gilid ay may thermos at mga mug na hindi pa gamit. May nilagang saging din doon at kamote kaya napangiti ako.

Naupo kami roon. Si Megan ay agad na lumapit sa amin na kumakain ng saging.

Nagkuwentuhan lamang kami roon hanggang sa sumapit ang alas ocho.

Nabigla pa ako nang maupo sa tapat namin ang pulis na asawa ni Ate Gisselle, pati na si Zeus na pangisi-ngisi sa akin. Nagpupunas ito ng pawis habang nakatingin sa akin na parang timang.

“Nag-away raw kayo ni Kuya?”

Isa pa ito. Naaasar ako sa mga ngisi nito.

“Mukhang inasar na naman ng utol mo,” komento ni Sir Guevarra at napailing habang natatawa. “Hindi pa rin nagbabago.”

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon