Kabanata 17

3.8K 115 38
                                        

Anabella

“Smells good, hmm . . .”

Napaigtad ako nang maramdaman ang lalaki mula sa likuran ko. Muntik ko pang mabitiwan ang sandok, mabuti na lamang at maagap kong naayos ang sarili bago ito harapin.

Kumunot ang noo ko nang makitang parang sinisinghot nito ang buhok kong nakalugay. Agad din nitong nabitiwan ang ilang pirasong buhok ko na hawak nito, saka ako binalingan.

“Ano’ng ginawa mo sa buhok ko?” pagalit kong tanong dahil nag-uumpisa na naman ito.

“Shrimps for dinner? Nakakagana tuloy kumain,” pambabalewala nito sa sinabi ko bago maupo agad sa upuan. Mataman itong nagmasid sa akin. “Sarap.”

Nawe-weirdo-han ko itong tiningnan dahil sa kakaibang ngiti at saya nito sa mukha. Gayumpaman ay ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Buttered shrimp ang ginawa ko dahil iyon lang ang naisip ko mula sa mga stock niya rito.

Matapos kong lutuin ay inihanda ko ang mga pinggan upang makakain na kami. Kanina pa ako nagugutom, at kung hindi pa ako kikilos ay baka mamaya pa kami makakain dahil sa lalaking ito.

“Best dinner ever. Ang sarap ng luto mo,” ngingiti-ngiti nitong wika habang kumakain nang nakakamay.

Tumango lamang ako habang ngumunguya. Ako na naman ang inuuto niya. Akala niya mahuhulog ako sa mga pinagsasasabi niya? Ha!

“What do you think about my offer, hmm?”

Muli akong nag-angat ng tingin dito. Natigilan pa ako sandali, bago bumuntong-hininga. “Gusto ko sana, kaso nag-aalangan ako dahil maiiwan ko ang mga alaga ko roon, pati na ang mga amo ko.”

“Then I will talk to your bosses tomorrow. Puwede rin nating dalhin ang mga alaga mo rito. Sagot ko naman lahat para wala ka nang iisipin pa roon sa Manila,” maagap na tugon nito.

Tumigil ako upang titigan ito sa mga mata. Dito talaga mahahalata kung sino ang talagang mayaman. Gaano ba kayaman si Evan para buhusan niya kami ng grasya nang ganoon kadali? Is he serious?

Hilaw akong tumawa rito. “Silly. Isang buwan lang naman ako rito. Nakakapanghinayang kung gagastusan mo sila ng pamasahe lahat gayong babalik din kami after one month. Marami kaya iyon sila,” nag-aalangan kong sambit. Kahit papaano ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya rito.

Tumawa ang lalaki, tumayo at saka tumabi sa akin. “Ako naman ang gagastos. Ang gagawin mo lang ay alagaan ako rito, wala nang iba.”

“Saan mo naman ilalagay ang mga alaga ko rito? Baka magalit naman ang pamilya mo.”

“We can move to my other house nearby, Anabella. Malaki ang espasyo roon at wala ring makakapanggulo sa atin,” anito, dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa kilabot. Ang creepy naman ng mga ngiti nito at tingin.

Sa huli ay napahinga na lamang ako nang malalim. “Okay, sige. Pero papaano naman ako makakasiguro na ligtas ako sa puder mo? Baka mamaya dalhin mo ako sa talpakan, o isali sa mga ilegal na bentahan ng—”

Agad ako nitong pinutol sa pamamagitan ng paghawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.

“Do you think ipapahamak kita sa ganoong paraan?”

Umawang ang bibig ko sa narinig mula rito. What the heck? “So, talagang ipapahamak mo ako?” kunot-noo kong tanong, nangangati ang mga kamay na pukpokin ang ulo nito.

Napaikot na lamang ang aking mga mata nang mahina itong tumawa. Inalis ko nang pasimple ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Alright. Lilipat tayo sa mga susunod na araw ng lungga. Ihanda mo na ang mga gamit mo para mailipat natin doon pagkatapos ng libing ni Mang Timoy, hmm?” anito matapos ubusin ang pagkain.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon