Kabanata 27

2.4K 92 16
                                    

Anabella

Doon ako bumuhanglit ng tawa. Nakakatawa pagmasdan ang mukha nitong seryoso nang sabihin niya iyon.

Kumalma rin naman agad ako nang mapansin na halos magbuhol na ang mga kilay nito habang pinagmamasdan ako.

“Okay,” pigil na tawang turan ko at saka tumayo. Sinundan naman agad ako nito ng tingin kaya napangisi ako. “Would you like a drink, Sir?”

Tumigil ito panandalian sa sinabi ko. He leaned on me, bitbit ang ngisi sa labi. Oh, mukhang wala na agad ang topak. Ang bilis naman. “What are my options, Miss Gorgeous?”

“Yes or no,” madiin kong sagot habang matamis na nakangiti rito.

“Why?”

“We only have wine here, Mister. Feeling mo naman ang dami mong koleksiyon ng inumin,” bara ko rito para inisin ulit.

Inismiran tuloy ako nito na ikinatawa kong muli.

“I’ll go for wine then.”

Kinuha ko ang wine na naka-display sa tabi at binuksan iyon. Sinalinan ko ang baso nito at sa akin, saka nginitian ang lalaki bago maupo sa tabi nito.

“The smell of your BBQ is so good,” tila hibang na aniya sabay kagat sa karne. Nilasap niya iyon, may papikit-pikit pa kaya napangiwi ako. “Ah, Anabella. You really know how to melt my heart and make my knees weak. Ang sarap mo talagang magluto.”

We laughed about it. Natigil lang kami nang magpokus kami sa pagkain.

Pero ang lahat ng saya ko nang araw na iyon ay dagliang naglaho matapos magdala ng balita si Megan. Katatapos lang namin niyon maghapunan.

I was left speechless. Hindi pa ma-absorb ng utak ko ang nalaman. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan habang nangangatog sa takot at sakit na nararamdaman.

Dali-dali kong kinuha ang wallet ko at phone bago lumabas ng bahay. I was crying the whole time. Patuloy na nanginginig ang katawan ko.

Sinusubukan pa akong pigilan ni Evan pero hindi ako pumayag. Gusto kong makita si Malik ngayon.

“Okay, fine. Ihahatid kita roon,” pagsuko nito na kinuha ang susi ng motor niya.

Pagsakay namin ay lalo akong nanghina. Kumapit na lang ako nang mahigpit sa lalaki upang hindi mahulog.

Madilim ang daan pero hindi iyon alintana sa mga oras na iyon. Paglampas namin sa plaza ay nakita ko si Mang Solis na humahagulgol sa tapat ng bahay nila. Kausap nito ang ilang kapit-bahay na inaalo siya.

Daglian kong pinahinto si Evan bago takbuhin ang pagitan namin ni Mang Solis.

Tila ulan na bumuhos nang sunod-sunod ang mga luha ko nang yakapin ko ito. Hindi pa rin maampat ang panginginig ko, lumala lang iyon nang mayakap ko ang tatay ni Malik.

“Wala na si Malik, hija. W-Wala na siya,” nanginginig at mangiyak-ngiyak nitong saad habang hinahaplos ang likod ko.

I cried desperately. Paulit-ulit na tinataga ang puso ko ng salitang wala na si Malik. Wala na ang kaibigan ko na karamay ko noong mga bata pa kami.

Why? Bakit siya pa? Why him?!

Kung alam ko lang na siya iyong lalaki na nasagasaan kanina, edi sana, edi sana nakita ko pa siya kahit sa huling pagkakataon. Kahit iyong bangkay na lang niya, kahit iyon lang.

Kasi hindi ko kaya. Ang sakit-sakit sa damdamin ang dagliang pang-iiwan nito sa amin.

Nangako pa siya noong nakaraan na poprotektahan niya ako mula sa mga mapang-api habang nabubuhay pa siya. Hindi na rin naman na pala matutupad iyon.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon