Kabanata 20

2.6K 98 15
                                    

Anabella

I CAN’T sleep.

Mahimbing na ang tulog ng lalaki, samantalang ako ay nalilito ang isip at tinatambol sa kaba ang puso.

Why is he acting strange? Iyong mga pinagsasasabi niya sa akin minsan na nagpapakaba sa puso ko. Ramdam at kita ko kasi ang kaseryosohan sa kaniya.

At talaga bang hindi niya ako namumukhaan? Bakit si Malik, nakilala ako? Bakit ang iba rito, hindi man lang ako nakilala nang lubos? I lost a lot of fat, especially in my face na naging slim na. Nawala na ang peklat ko at kuminis at namuti ang dating nasunog na balat. But aside from that, hindi man lang ba nila naaalala ang hugis ng mga mata ko? Ang korte ng kilay? Hugis ng mga labi?

O talagang sobra akong binago sa pagdaan ko ng puberty? And Malik was the only one who made an effort to memorize every detail of my face, kaya namukhaan niya ako agad?

Nakaramdam na naman ako ng panliliit. Tanging si Malik lang ang naging kaibigan ko na may pakialam sa akin noon. Bakit nga pala ako aasa sa iba, e, wala nga silang interes na pagtuunan ako ng pansin? All they know is that Sweetie kid who used to be fat and ugly. Ganoon na nga siguro.

Napahinga tuloy ako nang malalim.

Kahit nahihirapan ay pinilit ko ang sarili na matulog. Maaga rin akong nagising kahit pa wala masiyadong tulog.

Sa harapan ng bahay ay may upuan at table kaya roon ko naisipan na magkape. Chocolate coffee, yummy. Alas seis pa lang ng umaga pero hindi ko alintana iyon.

“Magandang umaga, Ma’am.”

Napatigil ako sa ambang pagsimsim sa kape nang may magsalita mula sa likuran ko. Naibaba ko ang hawak bago ngitian si Mang Ronald na katiwala ni Evan.

“Magandang umaga rin ho.”

Ngumiti ito bago inguso ang pinto ng bahay. “Gising na ho ang Señorito. Kaganda ng ngiti ngayong umaga,” aniya na ikinatigil ko.

Paglingon ko sa pinto ay para akong tinamaan ng kidlat dahil sa kakaibang saya na nakita ko sa mga ngiti ni Jackson. Mukhang bagong gising lang.

Nagpaalam ako saglit kay Mang Ronald bago lapitan ang lalaki.

“Coffee?” alok ko, hindi pinapansin ang mga pigil na ngiti nito.

“Yes, wife.”

Nagdire-diretso ako sa kusina, hindi binigyan ng kahit anong reaksiyon ang itinawag nito sa akin. Sumunod naman ito at naupo sa high chair na naroon at pinagmasdan ako.

“Kung sakaling mainip ka rito, puwede kang gumala riyan sa tabi-tabi. Marami akong alagang hayop diyan,” aniya na nakahalukipkip.

Tumango lamang ako rito. Matapos kong magsalin ng mainit na tubig sa mug ay nilagyan ko iyon ng black coffee.

Inaya ako nito sa labas matapos kong maibigay sa kaniya ang kape niya.

“Magpapagawa ako ng pool mamaya dito sa harap.”

Nilingon ko ito habang umiinom sa kape ko. Naupo ako sa tabi nito at nag-unat ng mga paa.

“Oo na, alam kong afford mo,” ngising turan ko ngunit hindi ito nag-react.

Sumimsim ito ng kape habang pinagmamasdan ang harapan namin na space. Medyo malayo ang gate sa bahay. Wala rin masiyadong halaman sa harap, tila nilinis na iyon para sa gagawin daw na pool.

“Then gagawa ako ng malaking bahay ng aso riyan sa gilid. Tirahan ng mga aso mo at aso ko,” aniya na muntik ko nang ikabuga ng kape. Napalingon tuloy ito sa akin at kinunotan ako ng noo. “Why?”

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon