HIS LOVE, HIS MADNESS
Anabella
MALAMIG na hangin ang sumalubong sa mukha ko nang buksan ko ang bintana ng sasakyan. Ang mga bituin sa kalangitan ay nagkikislapan kaya bahagya akong napangiti, kahit pa sa loob-loob ko ay nais ko nang mapaiyak.
Magkahalong tuwa at lungkot, dahil na rin sa mga naging alaala ko sa lugar na ito.
Parang kailan lang, umiiyak pa ako sa lugar na ito. Ayoko mang bumalik ay hindi ko naman kayang tiisin ang magulang ko na alam kong hirap na ngayon sa kalagayan.
Kay hirap para sa akin lalo na at ang destinasiyon namin ay ang mga taong naging dahilan kung ano at nasaan ako ngayon.
Hinawi ko ang buhok. Sandali lang naman ang naging biyahe namin sa himpapawid, iyon nga lang ay gabi ang naging flight namin dahil na rin sa schedule ng uwi ni Tita Karina mula sa trabaho. Tiyak na nakaburol na ngayon ang aking ama.
Napahinga ako nang malalim.
“Ate, you need to see this one!”
Napukaw ako ng matinis na tinig ng anak nina Tita Karina at Tito John na si Cahel, their Filipino-American daughter na inaalagaan ko.
Inayos ko sa kandungan ko ang bunsong sanggol nilang anak na si Emilia bago silipin ang screen ng tablet ni Cahel. “Oh, you like falls? I know a lot of falls there in our place, Cahel. I’m pretty sure you will enjoy there,” ngiting saad ko sa bata na naghahanap pala ng mga talon sa Iloilo mula sa internet.
Hinarap ako nito nang nakangiti at lalong hindi mapakali sa narinig. “Sure, Ate Bella. I wanna visit these places here,” anito pa na para bang matanda na at tutok na sa screen ng tablet.
Natawa na lamang kami nina Tita at Tito sa inasta nito. Ngunit sa hindi sinasadya ay nagkatitigan kami ni Tita Karina. Bahagya itong sumeryoso na ikinalunok ko na lamang.
“I heard nagsipag-asawa na ang mga kapatid mo, Bella hija,” pag-uumpisa nito ng usapan matapos ang ilang sandali.
Hindi na ako nagulat pa sa balitang iyon. Kahit pa putol ang komunikasiyon namin—at wala naman talaga akong balak na makipagkomunikasyon sa pamilya ko mula pa noon—ay hindi na nakagugulat pa ang bagay na iyon. Expected ko na nga rin iyon lalo na at mga nasa tamang edad na sila para mag-asawa.
Ngumiti na lamang ako kay Tita at hindi na umimik. Ilang sandali pa ang naging biyahe namin bago makarating sa dati kong tirahan na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ayos.
Halos maluha-luha ako nang mapagmasdan ko ang kubo namin. Tila ako bumalik sa nakaraan ko rito. Ang mga sakit, saya, at lungkot ko na ayaw ko nang alalahanin pa. Marami na rin ang nagbago sa paligid ng bahay.
Umusbong na ang iilang bahay sa paligid na hindi ko alam kung kanino. May ilang matatandang puno pa akong naalala rito, ngunit wala na ang iba ngayon. Napalitan na ng mga bagong puno.
Pasimple kong tinakpan ang bibig nang mapansin sa bandang unahan ang burol ng aking ama—ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Nais kong humagulgol sa lungkot, lalo na noong malaman ko ang balitang pumanaw na ito sa edad na seventy. Medyo marami na rin ang mga taong nakikiramay roon, may iba pang nagsusugalan. Pilit hinahanap ng mga mata ko ang mga pamilyar na hitsura, ngunit sadyang hindi ko magawa dahil sa pagkailang. Ang lahat ay tumigil at tinitigan ang sinasakyan namin na pag-aari ni Tita Karina.
Walang nakaaalam na tutungo kami rito kaya inasahan ko na ang mga bulong-bulungan.
Bumaba ang magpamilyang Smith kaya napabuga ako ng hangin at lakas-loob na bumaba. Umihip ang malamig na hangin ng gabi, dahilan para tangayin niyon ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
Ficción GeneralMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...