Anabella
“Tita, after this, you know . . .”
Nahihiya akong ngumiti kay Tita Karina na agad akong tinapik sa balikat.
“I know and I understand, hija. Go lang, basta mag-iingat ka palagi at huwag magpapahuli, ha? Lagot ka sa mga nakakakilala sa iyo rito kapag nalaman nila.” Tumawa ito sa huling sinabi na ikinangiti ko. “O, siya. Aalis na tayo. Okay na ba ang lahat?”
Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig. Nag-thumbs up pa ako rito bago lumapit sa mga nagkukumpulang mga tao na sasama sa martsa.
This is it. Ang araw na huli ko nang makikita pa ang mukha ng aking ama na mahimbing na nakaratay sa kaniyang kinahihigaan. Sana lang ay mapigilan ko ang mga luha ko mamaya. Masiyado pa naman akong emosiyonal lalo na pagdating kay ama. Ayokong paghinalaan ako ng mga nakapaligid sa akin.
Mamaya na ring gabi ang flight nina Tita at Tito pauwi ng Manila. Maiiwan na ako rito kasama ang mga taong dati nang naging parte ng buhay ko. Mami-miss ko ng isang buwan ang makukulit na paslit na sina Cahel at Emilia.
Nilapitan ko ang dalawang iyon na natagpuan kong bitbit ni Tito John.
“Hey, kids.”
“Ate, you are not coming with us later?” saad ni Cahel na humaba ang nguso na parang pato. Natawa tuloy ako sa hitsura nito.
“Yes, and I am sorry, hmm? Ate needs to work here,” paliwanag ko rito na tumango naman kahit pa hindi maalis-alis ang paghaba ng nguso. Sunod kong tiningala si Tito na ngumiti sa akin. Nagpasalamat ako sa lahat ng naitulong nito sa akin at matapos ay niyakap ito.
Hindi rin nagtagal ay umandar na ang sasakyan na kinalalagyan ng labi ni itay. Sinundan namin iyon habang hindi maalis-alis sa isip ko ang mga alaala ko kasama si ama. Ni hindi ako makatingin nang maayos sa mga kasama ko dahil sa pamamasa ng mga mata.
Kasa-kasama namin ang pamilya at mga kaanak ni Evan na pinagsilbihan ni Nanay Criselda at Tatay Timoy nang buong puso sa loob ng ilang dekada. Some of them were crying silently. Nasa unahan si Nanay Criselda at mga kapatid ko kaya hindi ako makanti ni Hope. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti pa rin iyon sa akin at panay ang irap at pasaring. Tsk.
“Bakit ba kung saan-saan ka sumusuot? Nawawala ka lagi sa tabi ko.”
Napaigtad ako bigla nang may mabigat na kamay na pumatong sa balikat ko. Pagtingala ko ay si Evan na naman na magkasalubong ang mga kilay.
Kainis naman ito. Bakit pa kasi kailangang katabi niya pa ako lagi? Samantalang may pamilya naman siya. Doon dapat siya sumama. Imbis na gusto kong magdrama ngayon ay naiinis na naman ako. Oras ko ito para magluksa, e.
Sa inis ay hindi ko ito pinansin. Nagpaubaya ako rito nang hilahin niya ako pabalik sa puwesto ng mga kadugo niya na may mga laman ang tingin sa amin. Hindi lamang makapangantyaw ngayon. Pero mamaya kapag kami-kami na lang, tiyak na kahihiyan ang aabutin ko nito.
Halos isang oras din ang naging martsa namin bago kami makarating sa simbahan. I refused to go with them inside the church. Nanatili lamang ako sa kalapit na tindahan upang makawala sa paningin at mga pasimpleng holding hands ni Evan. Kinuha ko rin iyong pagkakataon para mapag-isa habang idinadaos ang nakasanayang seremonyas doon.
Napayuko ako at pasimpleng pinunasan ang kanina pa nais kumawala na mga luha. Sa tuwing nakikita ko ang sinasakyan ni ama ay naluluha ako, lalo na sa mga malulungkot na ipinapatutog nila kanina. Sobrang bigat sa dibdib.
Napahinga na lamang ako nang malalim at naghintay ng ilang minuto roon.
Hindi na masiyadong masakit sa balat ang sikat ng araw dahil ilang oras na lang at lulubog na rin iyon. Palibhasa ay alas dos ng hapon ang naging alis namin kanina.
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
General FictionMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...