Anabella
“Noong umalis ako, kumusta ang naging buhay mo?” mataman kong tanong habang naririto kami sa balkonahe ng kuwarto. Dito namin naisipan na tumambay dahil kapuwa kami hindi makatulog.
“My life in Baguio?” Tinanaw nito ang malapit nang matapos na pool sa tapat ng bahay. “It was hard. Iyon naman ang pangarap ko noon pa, ang makapag-aral sa military school at maging sundalo. But when you left us, it was so hard to accept. Nagsisi ako nang sobra dahil alam kong dahil sa akin kaya ka umalis. So, yeah. Kahit gusto kitang hanapin at humingi ng tawad ay hindi ko na nagawa dahil dinala na nila ako sa Baguio.”
Sa sinabi niyang iyon ay tumiim ang pagkakalapat ng mga labi ko.
Kalaunan ay napatango-tango ako. “I was healing during the times you were suffering. Pantay lang tayo,” puna ko habang matamang nakatanaw sa buwan sa itaas. Bilog na bilog iyon, napakaliwanag. Ang ganda tingnan. Mayamaya ay muli kong ibinaling ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakayuko na at hindi ko mabasa ang reaksiyon. “Nagustuhan mo ako kahit ang pangit ko noon, hindi ba? Papaano naman nangyari iyon? Kasi naguguluhan ako. You’re the first when it comes to destroying my confidence. Ayaw na ayaw mo sa akin noon, lalo na sa katawan ko.”
Natigilan ito sa naging tanong ko. Singbilis ng kidlat na napaangat ito ng tingin sa akin. Malamlam na ang mga mata nito, wala na ang kapilyuhan.
Kalaunan ay iniwas nito ang tingin at bumuntong hininga. “Nagpapapansin ako sa iyo, sa maling paraan nga lang. Minsan, pinapaiyak kita at inaasar kasi naiinis ako sa inyo ni Malik.” Tumigil ito sandali at hirap na napalunok. Para pa itong nag-aalangan ituloy ang sasabihin. “Nagkagusto na ako sa iyo since I was fifteen. Madalas kasi kitang makita sa bahay, sa palayan, at sa plaza. Actually, hindi naman kita type noong una dahil hindi ka nag-aayos ng sarili, mukha kang manang na itinatago ang mga sugat at peklat sa mahahabang damit, saka nene ka pa masiyado. Pero sa bahay, tuwing nakikita kita na gumagawa ng gawaing bahay at nag-aasikaso, na-amaze ako sa iyo. Masipag kang bata, mabait, magalang, at palangiti sa mga tao, pero malungkot ka madalas at nagmumukmok doon sa tambayan mo. Wala rin namang kaso sa akin kahit mataba ka noon, kahit na marami kang sugat at peklat. We can do something about it, at saka bata ka pa naman noon.”
“Sabi ko noon, kapag nasa tamang edad na tayo, gusto kong mapangasawa ka kasi alam ko na mapagkakatiwalaan kita. Kahit ang parents ko ay puring-puri ka kaya pati sila ay walang tutol kung sakaling isa sa aming magkakapatid na lalaki ang makatuluyan mo.” He smiled. “Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ka kagandang dalaga. Ibang-iba na ang hitsura mo kaysa sa batang Kring-Kring na nakasanayan ko. Kung hindi ko pa nakilala ang ina mo, hindi pa ako maniniwala na natural mo pala iyang hitsura. Parehas din kayong maganda.”
Napamulagat ako sa huling sinabi nito. Ina ko?
Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka sa sinabi nito. “Kilala mo na ang nanay ko?” Saan at papaano niya nakilala?
Natigilan ito at hindi nakaimik. Mayamaya ay pinigil nito ang ngiti at nag-iwas ng tingin sa akin.
“Kilala? Hindi ko kilala.” Parang sa mga ngiti nito ay may hinuha akong may ginawa na naman siyang kalokohan.
“Narinig ko iyon, Evan,” seryoso kong sambit pero ngumiti lang ito lalo. Napaasik tuloy ako nang hindi na ito umimik. Pinagmasdan ko na lang nang maigi ang paligid. “Matulog ka na, Evan. Mukha kang puyat,” utos ko rito na ikinangisi nito.
Mukha na kasi itong inaantok na pero pinipigilan niya pa.
“Tabi na tayo matulog, ha? Iisang kama na lang ang gamitin natin.”
“Tumigil ka nga,” pigil na ngiting suway ko na ikinatawa nito habang naiiling.
“I can’t sleep peacefully without you,” parang batang sumbong nito nang makahiga sa kama.

BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
Fiksi UmumMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...