Kabanata 3

4.5K 133 17
                                        

HIS LOVE, HIS MADNESS

Anabella

Pagsikat ng araw ay inasikaso ko agad ang mga bata. Pinakain ko sila ng almusal nila bago iwan sa parents nila. Nag-leave sa trabaho si Tita Karina kaya sila na halos ang nagbabantay sa mga anak nila. Binibigyan lang nila ako ng time upang magpahinga at magluksa sa aking ama.

Iniwan ko ang mga ito roon para magtungo sa bahay ng mga Montehermoso. Strikto ang mga guard doon ngayon lalo na at dating na pala ngayon ng mga kaanak ng magpamilya. Tahimik pa ang bahay kaya tiyak na wala pa ang mga iyon. Bibilisan ko na lamang para makapagbantay ako sa lamay ni ama.

“Ate Bella!” tili ni Megan na pumapapak ng nilagang saging sa tabi ng gate, tila inaabangan na talaga ang pagdating ko. Kinausap nito sandali ang mga guard doon bago ako pagbuksan.

“Good morning, Ma’am,” magalang na bati ng guwardiya na sinuklian ko ng magalang na ngiti.

Mabilis akong hinila ni Megan papasok sa bahay nila na tuwang-tuwa. Nais ko tuloy ito na pagsabihan dahil iba naman ang ipinunta ko rito, tiyak na madidismaya lamang siya. Ni wala nga akong bitbit na resume o mga papeles.

Iba’t ibang mga mukha ang sumalubong sa amin doon. Ang iba ay pamilyar na pamilyar pa sa akin, mga kasamahan kong bata rito noon na nagsilakihan na rin dito.

Umiwas lamang ako ng tingin nang mapansin ko ang pagsulyap nila sa akin. Pinaupo ako nito sa magarang couch at nginitian.

“Wait lang, Ate Bella, a? Tatawagin ko lang si Daddy at naroon pa siya sa farm,” excited na anito at humarurot ng takbo papunta sa back door.

Naiwan ako sa napakatahimik na sala kaya napalunok ako. Napuna ko agad na may iilang pagbabago sa nakagawian kong sala ng bahay nilang magpamilya. Dumami lalo ang mga litrato nila na nakasabit sa dingding, halos puro mga litrato ng limang anak nilang mag-asawa.

Hindi ko maiwasang hindi paningkitan ng mga mata ang tatlong malalaking litrato ng tatlong mga anak na lalaki ni Sir Zach at Ma’am Austrianna. Pansin kong matured na tingnan ang mga mukha nila roon. Si Zeus na pinakabatang lalaki sa kanila ay napasama sa mga hukbo ng karagatan, si Cain na mas matanda rito ay iba rin ang suot na army uniform. It’s like a special unit, kakaiba kasi ang hitsura ng tatak sa bandang braso ng uniporme nito. Hindi naman ako pamilyar doon kaya hinayaan ko na lamang.

Nang sunod kong mabalingan ang litrato ng panganay na si Evan ay tila nahigit ko ang hininga. Tulad sa tatay nito ay wala itong kangiti-ngiti sa litrato. He was wearing the same uniform that his father had worn before! Iyong alam kong special unit na napakahirap ng training.

No wonder napasali siya roon. Aaminin ko namang kahit noon pa man ay may ibubuga na talaga ang lakas ng katawan niya at pag-iisip—mapang-asar nga lang. Matagal nang hinubog ni Sir Zach ang katawan at pag-iisip niya para maghanda sa pagsali niya sa unit na iyon. Humahanga ako sa katapangan niya, pero oras na alisin niya ang uniporme niyang iyon ay siya pa rin ang binatilyong Jackson noon na nagpahiya sa akin. Hindi na magbabago pa iyon.

Inalis ko lamang doon ang tingin nang bumalik si Meg na hila-hila ang tatay niya. Napatayo ako bago pa man ang mga ito makalapit sa akin. Nagmano ako sandali rito bago ikalma ang sarili.

Naupo ang mga ito sa katapat kong couch kaya’t huminga ako nang malalim.

“Sir, pasensiya na po. Pero hindi ko po matatanggap ang alok po ninyo. Isang linggo lang po kasi ang itatagal namin dito,” imporma ko rito. Hindi nagbago ang reaksiyon nito sa narinig kaya nabahala ako.

Kita ko ang pagkawala ng mga ngiti ni Megan sa tabi nito at napanguso sa akin.

Mayamaya ay tumango ang matandang lalaki at ngumiti nang tipid. “I understand. It is okay, Miss. Thanks for informing us,” anito at tumayo.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon