“Alam mo? Kapag umalis ka na, mas matutuwa pa ako! Mas nanaisin ko pang makasama si Malik at si Señorito Alessandro kaysa sa isang tulad mo na ubod ng sama ng ugali! Ayaw na kitang makita kahit kailan! Hindi na sana kita nakilala pa, Evan! Kasi simula nang lumapit ka sa akin, nabasag na ang buo kong pagkatao at nasira ang buhay ko!”I hurt her. I hurt that girl. And now, she’s mad at me. Ayaw niya na akong makita pa. But I still wanna see her. Gustong-gusto ko pa.
But how? Now that everything is not the same as before. Wala na siya, and just the thought of it was enough to make me weak. Binalitaan ako ng pamilya ko noon sa academy na wala na si Kring-Kring.
Sa galit ko noon, iniwan ko siya roon sa kubo. Pero laking pagsisisi ko noon dahil mas inuna ko ang galit ko kaysa tulungan siya. Huli ko nang nalaman na na-hospital siyang muli, and after that, she was gone—without a word to anyone, not even her friend, Malik. Hinala naman ng pamilya niya ay sumama ito sa Tita niya sa Manila, and they confirmed it nang may mabalitaan silang nagbigti na babae sa puder ng Tita nila. There’s no picture of the girl but her name is Sweet.
Marahan akong bumangon mula sa matagal na pagkakahilata.
That same nightmare. Over and over again. Lagi kong napapanaginipan ang nakaraan, where she was crying in front of me in that kubo.
Ilang taon na ba ang lumipas? Ang dami nang nagbago sa paligid. Pero ’yong sakit at guilt, dala-dala ko pa rin. Siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Siya na lang lagi ang dahilan ng hindi maayos na pagtulog ko, ng puyat. Tanging iyong bestida na lang niyang itim na palihim kong kinuha ang naiwan sa akin na gamit niya.
Tumingala ako para supilin ang pagbabadya ng luha.
I’m really sorry. If it wasn’t for me, you would still be alive today. Dalaga ka na sana at tinutupad ang mga pangarap. I’m sorry for being an asshole . . .
“Bro, get up. Aalis na tayo.”Ang tinig ni Cain ang tuluyang nagpabangon sa akin. I almost forgot na uuwi nga pala kami ngayon sa bahay.
Inasikaso ko ang sarili at mga gamit bago sumakay sa van. Ilang oras lang din ang naging biyahe pauwi. Sabay-sabay kaming nagsiuwian ng mga kaanak namin kaya limang van din ang naokupahan namin.
Nag-text din ako kay Mom nang malapit-lapit na kami dahil panay ang tanong nito kung nasaan na kami banda. I just smiled because of her excitement.
Pagtapat namin sa gate ay bumusina si Cain na siyang driver. Pagpasok na pagpasok pa lang ng sasakyan ay agad nang lumibot ang tingin ko—at huminto iyon sa babaeng nagmamadali ang mga kilos.
Napatingin pa ito sa amin at parang nahintakutan, saka dali-daling lumisan.
“Who’s that?” Tinugunan ko ang yakap sa akin ng aking mga kapatid na babae habang kunot na kunot ang noo.
I already saw her face kahit anong tago nito kanina. At ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko noon kay Sweet ay naramdaman ko na naman ngayon. Hindi ako na-curious sa babaeng iyon dahil lang sa maganda siya at kaakit-akit. Nagtataka ako dahil nakaramdam ako ng kaba, o kung ano pa man itong nararamdaman ko pagkakita sa mukha nitong . . . hindi ko alam kung bakit tila pamilyar sa akin. I don’t know. Hindi ko ma-explain. Hindi ko kilala iyon pero bakit ganito?
“Si Ate Bella iyon, Kuya. Nagtataka ka rin kung sino iyon, ano? Kami rin, e. Para ngang iwas at natakot noong malaman na nariyan na kayo.”
Bumaba ang tingin ko kay Megan at napahinto. Sa hindi malamang dahilan ay lumakas lalo ang tibok ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/96972516-288-k364652.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
Fiksi UmumMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...