Bata pa lang ay tampulan na ng tukso si Sweet dahil sa pagiging chubby niya at morena. Kahit sino ay nagsasabi na mabuti siyang bata kahit pa madalas tinutukso at sinasaktan. Isa na sa mga nananakit ng damdamin niya ay ang binatang anak ng pamilyang pinagtatrabahuan niya—si Evan Jackson na talagang gustong-gusto siyang paiyakin dahil hindi siya gumaganti.Hanggang sa isang araw, nalaman ng lahat ang diary niya na naglalaman ng lihim niyang pagkagusto sa isa sa mga pinsan ni Evan na si Alessandro—at dahil iyon kay Evan na sinadya siyang pahiyain sa maraming tao. Alam naman niya na hindi na maaaring gustuhin pa ang lalaki dahil may babae na sa buhay nito, ngunit nais niya lang namang kumuha ng inspirasyon araw-araw para ngumiti at kiligin dahil hindi niya pa danas na may lalaking magka-crush sa kaniya. Ngunit lahat ng lihim niyang nararamdaman ay kumalat dahil sa isang tarantadong Evan.
Hindi niya masukat kung gaano kabigat ang kahihiyan na natamo niya dahil doon. Dinagdagan pa ng insecurities niya sa katawan, mga masasamang alaala at panunukso sa kaniya sa murang edad ay muntik na siyang mawala sa katinuan. Ni hindi na niya kinaya pa ang lahat ng sakit na nararamdaman, kaya sumama siya sa Tita niya na balak siyang ipagamot sa Manila.
Doon na siya nagdalaga at pinilit na kinalimutan ang mga tao na nanakit sa damdamin niya. Ngunit kahit na anong gawin niyang pagkalimot sa bangungot ng nakaraan at pagbabago sa pisikal na hitsura ay pilit pa rin siyang hinahabol ng bangungot na iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niya nang bumalik pa sa probinsiya na kinalakihan niya, ni dalawin man ang pamilya niya. Ayaw niya nang masaktan pang muli dahil sa mga naiwan niyang alaala sa mga tao roon. Nahihiya siyang kantiyawan muli tulad noon.
Masaya na siya sa buhay niya sa Manila kahit pa nagtatrabaho siya bilang nanny at katulong ng tiyahin niya bilang suporta sa sarili at pag-aaral.
Hanggang sa isang araw ay nakita niya na lamang ang sarili na nasa probinsiya nila para sa tatay niyang biglaang namayapa dahil sa sakit at katandaan. Isang linggo lamang dapat iyon na bakasyon para sa isang linggong burol ng tatay niya, ngunit nakita niya na lamang ang sarili na na-trap na sa lugar na iyon dahil sa lalaking nagkagusto na pala sa kaniya.
Nilinlang siya nito at inisahan, mapanatili lamang siya roon.
Ngayong nasa ilalim na siya ng kabaliwan nito, hindi na niya alam ang gagawin upang makawala.
“... there’s only one thing I’m sure of, babe, you can’t escape the madness of this man in front of you...”
His love, his madness...
_________________________________________
Dark and Dangerous from the story of Austrianna and Zach in Armed and Dangerous. This is the story of their eldest son.
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
General FictionMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...