Anabella
Naalala ko tuloy noong unang kita ko sa kaniya pagbalik ko rito. Iwas na iwas pa ako, tapos bubuwisitin niya lang din ako. Sagutan, samaan ng loob, at parinigan.
Iiling-iling akong naupo sa duyan nang magsalita itong muli.
“Dalawin natin ang mama mo.”
“Okay,” wika ko na nahihiwagaan kung bakit pangiti-ngiti ito.
Tulad nga ng nais nito ay dinalaw namin si Mama. Lulan kami ng motor nito. Alam na alam na rin nito ang daan papunta roon.
“Gandang umaga, Sir Jackson,” bati ng pamilyar na may edad na lalaki. Napabaling naman ito sa akin matapos kong hubarin ang helmet at mukhang nabigla pa nang malaman na kasama ako ni Evan. “Sweet hija! Ikaw pala iyan! Magkasintahan na kayo ni Sir?” sunod-sunod nitong turan na tila hindi talaga makapaniwala.
Sasagot pa lang sana ako nang unahan na ako.
“Fiancée ko ho, Mang Berong. Kasalan na ngayong week. Invited ang lahat.”
Nangunot ang noo ko bagamat nanatiling tikom ang bibig.
Tila naman natuwa ang matandang guwardiya sa narinig. “Ganoon ba, Sir? Kaya pala madalas mong dalawin si Ma’am Lucia rito ay iniibig mo pala ang kaniyang anak!” bulalas nito na huli na para mapagtanto.
Napasulyap sa akin ang natigilang si Evan, bago mag-iwas. Lalong nag-isang linya ang mga labi ko at pinaningkitan ito ng mga mata.
“Sige na ho, Mang Berong. Papasok na kami. Mukhang nahihiya na kasi si Madam,” patay-malisyang turan ng lalaki bago ako hilahin papasok.
“Anong mukhang nahihiya? Ako pa talaga, ha?” asik ko rito nang makapasok kami. “Kailan mo pa dinadalaw ang Mama ko rito?” Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay ko sa pagkakasalubong niyon.
Hindi naman ako galit. Nagtataka lang at nabubuwisit na rin sa mukha ni Evan na pasimpleng ngumingiti.
“Are you mad at me?” Parang tutang nabahag ang hitsura nito. Hindi ko ito inimikan, mataman lang na tinitigan. “Yes, dinadalaw ko nga rito ang Mama mo. Don’t worry, you will be with her soon.”
Agad na naglaho ang pag-iisang linya ng mga kilay ko. “At saka ’yong sahod ko, ha,” paalala ko rito na ikinatawa naman nito.
“Sigurista si Madam,” tudyo nito na ikinahalakhak ko.
“At saka ’yong mansion at farm pala. Pakilipat na sa pangalan ko,” ngisi kong dagdag na ikinalawak ng ngiti nito.
“So, are you ready to be mine now?”
Sa tanong niyang iyon ay nag-loading bigla ang utak ko. Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko sa napagtanto at napatakip ng bibig.
“I didn’t say anything!” depensa ko at tinangkang umatras pero agad nitong nahuli ang braso ko.
His eyes sparkled with happiness. Bigla na lang ako nitong hinatak papasok ng bahay-ampunan.
“Shh. Kakausapin ko na ngayon ang Mama mo,” pinal niyang pahayag kaya kahit naiilang ay nagpadala ako rito.
“M-May nag-aalok daw kay Mama ng tulong dito. Kapalit ang anak niyang babae para pakasalan,” pag-uumpisa ko habang hinihintay naming lumabas si Mama. Nakausap na nito ang nagmamahala sa ampunan na tila kakilala niya at mataas ang respeto sa kaniya.
“Sino?” kalmanteng tanong niya na mukhang hindi nabahala sa sinabi ko.
“Hindi ko rin alam. Pero mukhang mayaman daw.” Nangungunot ang noo ko habang nakatingala rito.
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
General FictionMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...