Hi, pasensiya na kung hindi ko po nai-publish ito kagabi. Hindi na kinaya ng antok ko. : )
HIS LOVE, HIS MADNESS
Anabella
Kung maaari lang maglaho sa puwesto kong iyon. Malamang ay ginawa ko na. At kung nakamamatay lang ang mga titig nila, kanina pa ako nakabulagta rito.
Nang subukin kong iiwas ang tingin ay hinabol ako ni Megan at Venus na kapuwa kumakain pa ng saging na nilaga.
“Ate, sorry sa nangyari kaninang madaling araw,” ngusong sambit ni Meg na inabutan ako ng dala nitong saging.
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti at natawa sa mukha nito at inaalok na pagkain bago tanggapin. Ang inosente nitong mukha na may bahid ng pagkakonsensiya ang nagpahupa sa kaunting galit sa puso ko. Galit dahil sa ginawa ni Evan kanina.
“Okay lang. Hindi naman ikaw ang kapatid mo.” Itinaas ko ang mga pinamili. “Sige na, uuwi na ako at galing pa akong bayan. Good morning,” sambit ko na lamang upang makaalis na mula sa pagtitig sa akin ng mga kasamahan nito sa plaza.
Nang tangkain kong maglakad ay daglian akong pinigil ng babae na lalong humaba ang nguso. “Samahan mo naman kami roon, Ate. Tiyak na mae-enjoy mong makasama ang mga kapit-bahay namin dito na halos kaedaran lang natin. Mababait iyan sila at mamaya pa ay maglalaro kami ng volleyball. Maganda iyon! Sige na, please?”
Awtomatiko akong natigilan at natulala sa kawalan. Volleyball?
Saglit kong binalingan ang court sa plaza at napalunok. I caught Hope and Criza’s group glaring at me. Ayaw na ayaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Are they insecure? O baka nag-aalala sila na may gusto ako sa isa sa mga magpipinsan o mga kapatid ni Meg? Crazy. Never ako magkakagusto sa mga mapanglait na mga lalaki na tulad ng mga kapatid ni Meg.
Huminga ako nang malalim at tumango sa dalagita na ikinatuwa nito.
“I’ll join you later. Magpapalit lang ako ng saplot,” turan ko bago dali-daling umuwi sa bahay. Pinaghandaan ko ng almusal ang mga bata at pusa bago magpalit ng pajama at shirt, ngunit hindi para makipaglaro ng volleyball sa kanila. Pupunta na lamang ako sa tambayan ko.
Bakit naman ako sasali sa grupo nila? Tiyak na paiiyakin na naman ako ni Evan.
Matapos ang gawain ko at pagluluto ay daglian akong umalis at baka puntahan pa ako ni Meg dito. Makulit pa naman ang dalagitang iyon. Saglit pa akong sumilip kay ama dahil kakaunti lamang ang naroon, bago dali-daling nagtungo sa gubat.
Ngunit daglian akong natigilan nang makasalubong ko si Malik na kagagaling lamang sa loob ng gubat. He’s not wearing his shirt habang may pasan-pasan na sako ng mga lanzones na naglalakihan. Hanggang sa lumampas ang tingin ko rito at napunta sa ama nito na may buhat-buhat ding isang sako ng avocado, tiyak na galing sa taniman nila sa kabilang lupain.
Natigilan din ang mga ito nang makita ako. Nagkatitigan kami ni Malik na tila namutla ang mukha. Mayamaya’y tumabingi ang ulo nito at mas lumalim ang titig sa akin.
“S-Sweetie? Ikaw na ba iyan?”
I stunned. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan sa naging tanong nito. Did he recognize my face? That fast?
BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
General FictionMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...