Kabanata 30

2.5K 71 4
                                    

Anabella

“TAWAGIN mo na lang ako sa pangalan ko. Ayoko ng Señorito,” seryosong aniya na ikinatanga ko.

Gayumpaman ay tumango na lang ako.

“S-Sige.”

“Babalik ako rito pagkatapos ng apat na taon, Sweetie. Sixteen ka na sa panahon na iyon at twenty-two naman ako. Pero hihintayin ko pa rin na mag-eighteen ka. Kaya huwag ka muna tatanggap ng ligaw sa kahit kaninong lalaki.”

“P-Para saan?” Ang lamig na dulot ng gabi at malakas na pag-uulan ay nanunuot na sa akin. Sumiksik ako sa sulok habang yakap ang sarili.

Tumiim ang titig nito sa akin, ni hindi man lang nababahala sa lamig na lumulukob sa aming katawan.

“May sasabihin ako sa iyo kapag dumating na ang panahon na iyon.”

Huh?

“Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon?” sabat ko agad. Bakit kailangan pang umabot kami sa ganoong edad bago niya sabihin sa akin ang nais niyang ipahayag?

Nagtagis ang bagang nito bago umiwas. “Bata ka pa, Sweetie, at ganoon din ako. Nais kong umamin sa iyo kapag may sarili na akong kinikitang pera, para kapag napasaakin ka na, hindi ka magugutom o makakaranas ng hirap. Titiyakin ko na mahihirapan ka ring tanggihan ako.”

Lalo akong naguluhan dito. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Pero tunay nga na bata pa ako. Hindi lahat ay kayang intindihin ng pag-iisip ko.

Pero isa lang ang sisiguraduhin ko . . .

“Hindi ko kailangan ng isang tulad mo para hindi ako magutom at makaranas ng hirap. Kaya ko ang sarili ko na maiahon.”

Napangisi ito na tila natuwa sa sinabi ko. “Yeah, but I am capable of something just to get what I want. Iyon ang bagay na hindi mo maiilagan sa akin once na magsimula na ako.”

Tila isa iyong malaking question mark sa ulo ko. Ano ba ang pinagsasasabi nito? Hindi ko talaga maintindihan.

“Ang gulo mo,” banas kong turan at bahagyang sumiksik nang maupo ito sa tabi ko.

“Hindi ako magulo. Hindi mo lang talaga naiintindihan sa ngayon. Pero pagdating ng araw, malalaman mo rin.”

“Sobrang tagal pa niyon,” atungal ko ngunit isang pinal na tingin ang ibinato nito sa akin.

“Mag-aral ka lang nang mabuti sa ngayon. Asikasuhin mo ang sarili mo. Saka mo na intindihin iyon kapag nasa wastong gulang ka na.”

“Okay,” pagsuko ko na lang. Malungkot akong bumuntong hininga.

Alas cinco ng madaling araw ay napabangon ako nang mapansin na umuungol ang kasama ko. Sarado ang mga bintana ng kubong iyon pero ang lamig-lamig pa rin. Wala rin kaming kumot at unan.

“S-Señorito?”

Nanginginig ito at namumutla. Doon nanlaki ang mga mata ko sa takot. Daglian kong kinapa ang leeg nito, para lang mapagtanto na nilalagnat nga ito. Napakainit!

“Señorito! Nilalagnat ka!” nahihintakutan kong pukaw rito. Sandali itong nagmulat para tingnan ako, pero bumalik din sa pagkakapikit.

Marahan kong nakagat ang hintuturo habang nag-iisip kung ano ba ang pupuwedeng gawin. Malakas pa rin ang ulan sa labas, kaya papaano ako makahihingi ng tulong? Hindi ko puwedeng tawirin ang ilog dahil sa lakas ng pagragasa niyon, baka dalhin pa ako sa kung saan at malunod.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon