Kabanata 26

3.6K 112 20
                                        

Anabella

Habang palapit nang palapit ang katapusan ng trabaho ko, mas lalong nagiging taranta si Evan. Tipong magising lang na wala ako sa tabi niya o hindi lang ako makita sa kahit na saang parte ng bahay niya ay parang baliw nang isisigaw ang pangalan ko at ipahahanap ako.

Ewan ko lang kung napano iyon.

Umaga niyon nang maisipan ko na tumambay muna sa likod ng bahay para makapag-choco coffee nang tahimik. Pero ang ulaga, nataranta na naman.

“Anabella!” malakas nitong tawag sa pangalan ko na para bang may kasalanan ako.

Hindi ako sumagot at tahimik lang na sumimsim ng iniinom. Praning na ang lalaki. Ewan ko kung napano iyon.

Nang marinig ko ang pagbukas ng backdoor ay saka ko lang ito nilingon at kinunotan ng noo.

“Oh? Napano ka?” taas-kilay kong tanong sa lalaki na salubong ang kilay.

Mariin ako nitong tinitigan, bago huminga nang malalim na tila ba naginhawaan. He shook his head. “Nothing, akala ko kung saan ka na naman nagpunta.”

“Bakit ba praning ka? E, nandito lang naman ako sa paligid ng bahay mo. Hindi naman ako tatakas,” ismid kong turan at hinayaan ito nang mariin niya akong halikan sa labi.

Kahit naman anong sita ko rito at sabi ay hindi naman siya nakikinig. Wala ring saysay kahit pa magsayang ako ng laway. Akala ko ba sa akin lang siya susunod? Bakit kapag pinapatigil ko sa panghahalik sa akin ay ayaw namang tumigil? At bakit naman hindi ako nandidiri o naiinis sa mga halik niya?

“I just wanna make sure na hindi mo nga ako tatakasan,” aniya na ikinairap ko.

Baliw talaga.

“Bahala ka nga sa buhay mo.”

Bahagya nitong inilayo ang mukha upang makita ako nang maayos. He gently brushed my hair and smiled. “Mag-ihaw-ihaw tayo ng karne mamayang hapon. Iinggitin ko sila,” malokong aniya.

At tingin naman niya ay kaiinggitan siya ng pamilya niya?

Tinanguan ko lang ito bago muling humigop ng iniinom.

“Good. Let’s buy pork chop.”

“Oo na, mag-almusal ka na muna at mag-asikaso,” pagtataboy ko rito dahil naglalambing na naman ito na parang tanga. Nakakakilabot at nakakailang.

“Why do you seem to be pushing me away?” tamang hinala nito na ikinangisi ko. “Naiilang ka sa akin, ano?” akusa nito na ikinaikot ng mga mata ko.

Inilayo ko ang mug mula sa bibig at ibinaba. “Hindi bagay sa iyo ang maglambing. Mukha ka lang ewan,” bara ko rito na tinaasan lang ako ng kilay.

“Tss. Halata namang naiilang ka lang sa akin,” pilit pa nito kaya inirapan ko na ang makulit na lalaki.

Matapos naming makapag-almusal ay inaya na ako nito sa bayan. Lulan kami ng motor niya na nakahakot ng napakaraming atensiyon mula sa mga tao.

“Ang pogi ng motor mo, a,” tudyo ko pagkahinto nito sa parking area.

He chuckled before facing me. Swabe niyang inalis ang helmet niya at sa akin. “Just like the owner,” aniya sabay kindat.

I let out a disgusted look and laughed at him. Umangkla ako sa braso nito nang magsimula kaming maglakad.

“Ang yaman mo na, ano? Pinanganak ka nang mayaman, tapos may trabaho ka pa. Ang dami mo nang sasakyan,” komento ko habang tinatahak namin ang daan at patingin-tingin sa paligid.

Nais ko lang ibaling sa iba ang atensiyon ko dahil naiilang ako sa mga tingin na ibinibigay sa amin ng ibang tao na nakakasalubong. Ultimo mga tindera at tindero ay nililingon kami na para bang mga artista. Iba talaga ang karisma ni Evan. Kung ako rin naman, kung hindi lang ako sanay na sa kaguwapuhan ni Evan ay tiyak na mapapatitig din ako sa lalaki.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon