Kabanata 14

2.9K 94 14
                                    

Anabella

Tila ako naputulan ng dila sa sinabi nito. Nanahimik na lamang ako at binilisan ang kilos upang maging paspasan ang pag-alis dito.

Nang matapos ay nagpaalam ako sa Señorito na hindi naman umimik.

Kinabukasan ay maaga pa lang, nagtungo na ako sa aking tambayan upang manguha ng ipapakain sa mga alaga. Kasa-kasama ko ang aking mga aso sa gubat kaya hindi ako nag-alala para sa sariling kaligtasan.

Namitas ako ng mga gulay na maaaring ipakain sa kanila, saka nanghuli ng mga isda sa ilog na malapit. Malalaki ang mga tilapya roon, lalo naman sa ilog na sakop na ng lupain ng aking mga amo.

Tagaktak ang aking pawis sa mukha at leeg, nangungunot ang noo dala ng pagod at pagkahilo. Mamaya ay kailangan ko pang tumulong sa bahay ng aking mga amo.

Ngunit sa gitna ng katahimikan ng paligid ay nagulantang ako dahil sa isang malakas na tahol mula sa napakalaking aso na bigla na lamang sumulpot. Sinundan ko ng tingin ang may hawak ng tali niyon at lihim na nainis dahil siya na naman.

“Ang gaganda ng mga aso mo, a. Malinis at maganda ang pangangatawan. May babae ba riyan?” nakangising sambit ni Señorito Evan, kasunod ang mga kapatid at pinsan niyang lalaki at mga tito na pinagmamasdan ang ginagawa namin ng mga aso ko. Nakatayo lamang ang mga ito sa marka kung hanggang saan lamang ang limitasiyon nila.

Umahon ako sa ilog at nagpunas ng mga kamay sa katawan ng puno. “Mayroon naman,” mahinang sambit ko bago balingan ang mga alaga na halatang natakot sa malaking aso na bitbit ni Evan. “Apat ang babae ko rito. Wala pang isang taon ang tatlo,” dagdag ko pa, nagtataka kung ano ang binabalak nito.

Umangat ang sulok ng labi ng lalaki at nakipagtawanan sa mga kapatid niya na maloko. Hindi ko alam kung ano ang balak ng mga ito ngunit nahihinuha ko na hindi ko iyon ikatutuwa.

“Good. Pumunta ka mamaya sa bahay at may sasabihin ako. Alas dose, Kring-Kring. Kapag hindi ka sumipot, ipapalapa kita rito sa Doberman Pinscher ko,” anito na talagang nambanta pa.

Tiningnan ko lamang ito at ang aso nito na napakalaki. Tiyak na napakarami niyong kinakain. Balita ko pa ay tine-train nila ang mga aso nila mula sa pagkabata kaya hindi naman nanunugod at behave lang.

“Ini-snob ka lang, ’tol! Isnabera na pala itong si Kring-Kring ngayon!” pag-uumpisa ni Cain na kay sarap batukan.

Bakit ba ako na lang palagi ang trip nila?

Hindi pa ata sila nadala sa ginawa ng ama nila sa kanila. Gusto pa ng round two.

Napasulyap ako kay Señorito Alessandro na nakatingin din sa akin, kaya agad na nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya. Dali-dali akong umiwas at tumalikod, saka lumusong muli sa ilog na hanggang tuhod ang lalim.

“Ano ba iyang ginagawa mo riyan?” satsat na naman ni Señorito Evan na talagang lumapit pa sa puwesto ko. Trespassing na ito, a. Mabuti na lang at behave ang aso niya, kundi ay magkakagulo talaga rito.

Hindi ko na ito nilingon at agad na dinakma ang hipon na nakita ko. Hmm, masarap ito at malaki pa. “Nangunguha ng makakain ng mga aso ko,” tugon ko at bago itabi ang nakuhang hipon. Uulamin ko na iyon mamaya.

Nagagalit na si Nanay Criselda dahil napakalaki nga naman ng konsumo ng mga alaga ko sa pagkain. Hindi ko naman sila kayang ipamigay sa iba at baka mauwi lang sa trahedya. Mas mabuti nang naririto sila sa pangangalaga ko at napapakain ko naman nang maayos, may mga tanim naman ako at may ilog na mapagkukuhanan ng mga isda. Tiyagaan na lang talaga palagi.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon