Kabanata 8

2.6K 88 7
                                    

HIS LOVE, HIS MADNESS

Anabella


Sweet Anabella’s Diary

Day 1

“Nay! Nay!”

Muntik na akong matisod sa nakausling lupa kaya napangiwi ako. Mabuti na lang at agad kong naibalanse ang hawak na malaking mangkok na may lamang ulam, kundi ay palo at luha ang aabutin ko kay Nanay.

Napangiti ako nang makarating sa malaking silungan nila rito. Naroon at naghihintay sina Nanay at Tatay, maging ang mga amo namin na silang may-ari nitong lupa na sinasaka ni Tatay—ang mag-asawang sina Ma’am Austrianna at Sir Martin. Nasumpungan ko rin doon ang mga binatilyo’t dalagita na anak ng mag-asawa na nag-uusap.

“Eto na ho ang ulam! Pasensiya na po!” maligalig kong sambit at bahagyang yumuko sa magpamilya. Inilapag ko ang mainit-init pang Tinola sa malaking mesa at tumabi kay Ate Hope na nag-aayos ng mga kubyertos.

Palihim naman akong kinurot sa tagiliran ni Nanay at hinila palayo roon na ikinangiwi ko.

Pinandilatan ako nito ng mga mata at piningot ang tainga na ikina-aray ko. “Ano ka ba naman, Kring-Kring! Huwag kang tatabi roon at baka malaglagan mo ng dumi ang pagkain nila,” matigas na sita nito sa akin kaya napakamot ako ng ulo. “At nasaan si Criza? Siya dapat ang naghahatid ng pagkain, hindi ikaw!”

Napanguso ako kay Nanay, saka nginitian ito nang tipid. “Hindi naman, ‘Nay. Naligo kaya ako kanina bago magpunta rito,” depensa ko at hinatak pababa ang sleeve ng shirt ko na bahagyang umangat dahil sa paghawak ni Nanay sa braso ko. Abot iyon hanggang sa pulso ko at nakakahiya naman sa amo namin kung makikita pa nila ang mga peklat ko na mula pa sa kakulitan ko. Baka mandiri sila at masuka sa kinakain.

Alam naman ng lahat na ganoon ang balat ko mula pa noong bata. Maitim at puno ng mga peklat at sugat. Mataba rin ang katawan ko kaya hindi na bago sa akin kung palagi akong pinalalayo ng magulang ko sa magpamilya na pinagsisilbihan namin. Marumi raw kasi ako tingnan. 

“Kahit na! Doon ka na lang maupo muna sa duyan. Mamaya na kita pakakainin pagtapos nila,” pinal na sambit ni Nanay at tuluyan akong tinangay palayo roon.

Sa ‘di kalayuan ay may duyan na bakante at nasa lilim ng puno, roon ako pinaupo ni Nanay na ikinanguso ko. Bumalik ito agad sa puwesto kanina upang pagsilbihan ang mga amo, kasama si Ate Hope na todo kung magpapansin sa hambog na si Evan.

Lahat kaming magkakapatid ay nagsisilbi sa magpamilya, sa kadahilanang gipit din kami sa buhay. Si Tatay ay magsasaka sa lupain ng pamilyang Montehermoso, si Nanay ay kusinera dahil sa galing nitong magluto, at ako ay kahit ano lang na trabaho ang ginagawa sa malaking bahay ng magpamilya para makatulong.

Napahinga ako nang malalim at pinagmasdan ang kalangitan ng katanghalian.

Kanina pa ako nagugutom dahil wala pa akong nagiging tanghalian. Palagi kasi akong hinuhuli tuwing kakain dito, na naiintindihan ko naman kasi wala talagang gustong makisabay sa akin. Sa hitsura kong ito? Tsk.

Nawala ang pagkakunot ng noo ko nang mapagmasdan si Ate Hope na tumatawa habang katabi si Señorito Evan. Sa ganda, sexy, puti, at kinis ba naman ng ate ko ay kahit sino ay mahuhulog sa kaniya, pero mukhang hindi talaga siya tipo ng kinababaliwan niyang lalaki.

Dark and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon