HIS LOVE, HIS MADNESS
Anabella
Wala akong nagawa kundi ang sumama rito. I have dogs and they are all males. Mayroon din akong mga pusa pero hindi ko naman pinakikialaman ang panganganak nila. But I will try.
Pinapasok kami ng guard nila nang magmakaawa ito dahil manganganak na ang aso niya. Naghigpit na nga rito dahil naririto ang mga Hapon.
Sa sala kami nagtungo kaya awtomatiko akong natigilan nang makita ang mga kapatid at pinsan niyang lalaki roon na nag-uusap-usap.
Nagkatitigan pa kami ni Evan na madilim at mabigat ang mga tingin sa akin, bago ako nag-iwas at nagpahila kay Megan papunta sa alaga niyang aso sa tabi.
Dinaluhan ko iyon at napansin kong nahihirapang manganak. Napakamot tuloy akong muli ng ulo at tiningnan ang babae sa tabi.
“Kanina pa siya ganiyan, Ate Bella. It’s her first time manganak kaya hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Did you call your vet?” tanong ko at inipit sa likod ng tainga ang buhok.
Sunod-sunod itong tumango, ngunit bigla na lamang hindi makatingin sa akin. “Opo, pero ganitong oras ay sarado na sila. Ring lang nang ring ang telepono, wala na kasing tao sa clinic nila.”
“What? Wala bang ibang tao na maaari mong kontakin kahit sarado na ang clinic?”
Marahas itong umiling at pasimpleng sumulyap sa likuran ko. Nang lingunin ko ay mga kapatid at pinsan niya pa rin iyon ngunit nakamasid lamang sa amin. Daglian akong umiwas ng tingin at napabuntong hininga.
Napahinga ako nang malalim at nag-search na lamang sa internet kung ano ang gagawin. Ngunit sa huli ay hinayaan ko na lamang itong manganak dahil sa napansin.
“Oh, there’s already the—” bulalas ko na hindi na naituloy dahil sa tuwa. Matapos ang ilang minutong pagtitig dito ay sa wakas unti-unti nang lumalabas ang ulo ng anak nito.
“Hala, ayan na nga!” bulong nito na tuwang-tuwa. “Naku! Thank you talaga, Ate. Ang mga kuya ko kasi, ayaw akong tulungan.”
Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito at ngumiti lamang. Wala naman akong inambag doon. Parang nakinood lang.
Inabot kami ng ilang oras doon kaya lalong lumalim ang gabi. Madaling araw na nang mailabas na ng aso niya ang lima nitong anak.
“Medyo malaki pa rin ang tiyan niya, Ate. Wala na bang laman iyan na tuta? Baka mayroon pa,” puna ni Meg na inilingan ko agad at namaywang.
“Wala na. Baka ilang araw lang din ay liliit na iyan. Ganiyan din ang mga pusa ko kapag nanganganak, ilang araw pa bago tuluyang lumiit ang tiyan nila,” tugon ko dahilan para makahinga ito nang maluwag.
“Mahilig ka pala sa pusa, Ate?”
Agad akong tumango at muling pinagmasdan ang mga tuta na natuyo na ang katawan. “Yep, lahat sila ay rescued cats. Ang dami sa lansangan, e.”
Umawang ang bibig nito at napapalakpak. “Wow, ang galing naman. Thank you ulit, Ate Bella! Naku, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kanina,” anito na tila nabunutan ng tinik ang dibdib. “Oo nga pala, baka gutom ka na, Ate. Nagutom ako sa panganganak ni Sachi, e. Tara? Kain muna tayo. Ang daming pagkain sa kusina,” aya pa nito na hindi ko na tinanggihan.
Kumukulo na rin ang tiyan ko sa gutom.
Eksaktong paglakad namin papunta sa kusina nila nang masumpungan namin si Sir Guevarra na may iniinom na kape. Natigilan pa ito nang mapansing may kasama si Megan na estranghera.

BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
Fiksi UmumMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...