Anabella
Pagod na akong saktan! Napapagod na akong lagi na lang inaapi at sinasaktan nang walang dahilan! Ako na lang ba palagi ang mananahimik at magpaparaya? Ni wala naman akong ginawang masama para ganituhin na lang ako palagi! Peste!
Sa sobrang inis ko ay naisip kong umalis sa lugar na iyon. ’Di bale nang madilim, makaalis lamang sa lugar na iyon at makapagpalamig.
Nakakabuwisit talaga ang babaeng iyon. Gaga siya!
Inis akong huminto nang may maramdaman na sumusunod sa akin na kotse. Nilingon ko iyon, makaraan ay malakas na napabuga ng hininga.
Tinalikuran ko ang sasakyang iyon at mas binagalan ang lakad upang inisin ito. Bakit ba ito sunod nang sunod?
“Hey! Get in!”
Tumirik ang mga mata ko sa iritasiyon.
“Sakay na, maldita. Igagala kita kung nais mong magliwaliw.”
“Leave me alone, please.”
“Gusto mong mapahamak sa daan nang ganitong oras?” sarkastikong anito, dahilan para matigilan ako. Naalis sa pagkakadikit ang mga kilay ko, huminto at saka nilapitan ang bintana sa driver’s seat ng sasakyan nito.
Nakipagtagisan pa ito ng tingin sa akin ngunit hindi ako nagpatalo. He wasn’t paying attention well kaya kinuha ko iyong pagkakataon upang dakmain ang shirt nito—and he didn’t mind it either. Mukha pang nakababa talaga ang lahat ng depensa nito sa katawan para maging ganito kakampante sa harap ko.
Tinaliman ko ito ng tingin matapos itong hilahin palapit sa mukha ko. “Ano namang pakialam mo sa akin, ha?” I am much more concern kung ano ang kaya nitong gawin sa akin lalo na ngayon na ang laki-laki na ng katawan nito at exposed na sa karahasan. “Leave me alone, soldier. You don’t know anything about me.” Sinadya kong diinan ang tinig dahil sa galit dito na matagal ko nang ibinabaon sa lupa. Pero heto na naman siya at inuubos na naman ang pasensiya ko.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng gulat sa mukha nito. Marahil ay hindi inaasahan na sasabihin ko iyon sa isang tulad niya na nabuhay sa papuri at spoiled brat pa.
Ilang segundo pa itong nakipagtitigan sa akin bago ko bitiwan ang damit nito at walang imik na naglaho sa talahiban.
Sa kalsada ako dinala ng mga paa ko. Tuloy-tuloy lamang ang pagtulo ng luha ko habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng ina ko. Kahit pa hindi ko siya makita ngayong gabi, I still want to see that orphanage. Nakakagaan ng loob lalo na at alam kong nagiging maayos na ang lagay at pag-iisip ni ina.
Balang-araw, makukuha ko na rin siya mula rito . . .
“Lift her up, Jackson. Ayokong hawakan ang babae mo . . .”
“Hayaan mo lang siya. Bahala siya sa buhay niya. Ginusto niya naman ’yang lagay niya.”
“Then what’s the point of this? Hahanap-hanapin mo tapos ngayong nandito na ay pababayaan mo lang? You motherfucker!”
“Ako na. Napaka-arte kasi nitong Jackson na ’to . . .”
Napamulat ako ng mga mata, eksaktong amba akong bubuhatin ni Zeus. Pareho kaming natigilan matapos kong magmulat ng mga mata.
“What the hell?” naibulalas ko at gulat na napaatras. Nilingon ko ang nahawakan kong halaman at napaawang ng bibig sa gulat. Shit! Nakatulog pala ako sa labas!
“Anong what the hell, maldita? What the fuck are you doing here?” sabat ni Evan na ikinatingin ko rito. “Kagabi ka pa namin pinaghahanap.”

BINABASA MO ANG
Dark and Dangerous
General FictionMontehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, babe, you can't escape the madness of this man in front of you . . ." His love, his madness. WARNING:...