Start

7.7K 105 6
                                    

Nine years earlier...

"Isa pa!"

Tumayo ako sa pagkakaupo sa damuhan at pinagpag ang alikabok sa damit ko. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya dahil natalo niya ako sa wrestling sa isang tulak lang.

Isang mapang-asar na tawa lang ang sinagot niya sa sakin. "Don't waste your time na. Mapapagod ka lang." saka niya ako tinalikuran at nagsimulang maglakad paalis.

Lalo akong nainis sa ginawa niya. Pinamukha niya lang sakin na wala talaga akong laban sa kanya. Napalitan ng 'game face' ang mukha ko. Inipon ko ang lahat ng hininga ko saka sumigaw ng malakas sa kanya.

"Sandali lang!" tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako nang may nakakainis na ngisi sa mukha.

Pumuwesto ako nang pang wrestling, nakabend ang mga tuhod at nakataas ang mga nakayukom kong kamao. "Isa pa!"

Walang anu-ano, ay bigla ko siyang sinugod. Nang naramdaman kong nahawakan ko yung braso niya, I thought I caught him off guard, but on the second thought, maybe not. He grabbed me by my waist and held my nape. He pushed me against the wall and pushed his arm against my throat.

I grunted in pain sa pagtama ko sa pader, but what hurts more is his grip. He was leaning so close and then our eyes met. Nawala na yung mapang-asar niyang mukha at napalitan ng galit?

"I don't want to hurt you anymore. I'm not doing this solely for you, but also for me." Sumama ang timpla ng hangin at bumuga ng malakas. "Just stop..."

He let go of me and air freely flowed in my lungs. He gave me one last frightening glare, and turned his back on me. With that, tuluyan na siyang umalis at sumakay sa sasakyan nila.

**

Iniwan niya kong iniisip kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Bata pa kami nun pero malalim na agad siyang mag-isip, samantalang ako, hindi maunawaan ang mga sinasabi niya.

Hanggang sa ngayon, hindi ko maalis sa isip ko kung ano ba ang gusto niyang iparating sakin. Pero kung ang tumigil sa laban para matalo siya ang ibig niyang sabihin, hinding hindi ko siya susundin, dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko siya natatalo. Life goal ko na ang matalao si Ice Romano, kahit sa paanoong paraan pa yan.

--
Please do comment ;) Thankyy!

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon