Seventeen - A Special Assignment

1.1K 24 0
                                    

Beige Crimona Samaniego

Why do I always get the annoying assignment in a project? Maging hostess para sa guest performing band, job description na ba yung ng VP ng Student Council? Mukhang hindi naman to kasama sa mga inapplyan ko.

Mabuti sana kung at least dalawa kaming mag-aasist sa kanila, pero hindi eh. Bakit kailangan ako lang mag-isa?

Maligalig na nga ang buhay ko dahil sa dami ng trabaho, dumagdag pa tong tatlong pugo na to?

First day of my assignment. Nandito sila ngayon sa school because our advisers insisted that they use our studio to practice for the songs they will be performing for our ball. Guess what? Naging P.A. pa ako ng di oras.

"I shouldn't be here," naiinis kong sabi pagkapasok sa studio.

Nilingon nila akong tatlo habang nag-aayos ng equipments. "But you're here," tugon ni Kirk na siyang tumutugtog ng beat box. Acoustic kasi ang peg ng banda nila.

Inirapan ko nalang siya at umupo nalang sa sofa sa loob ng studio. Humalukipkip ako at hindi na lang sila pinansin.

I know I'm supposed to be nice to them. Dapat ako yung nagpapakita sa kanila na mababait at matitino ang mga estudyante ng school namin, dahil kilala ito sa pagiging isang elite private school.

Pero naiinis talaga kasi ako sa naging assignment ko.

Pwede nila akong pagbuhatin ng designs, chairs, tables, lights, speakers, paglinisin ng hall, pagpalitin ng kurtina. Pero yung mag-asikaso ng bisita? Mahihimatay yata ako rito. Sarili ko nga hindi ko maasikaso ng lubos, tatlong malilikot na lalaki pa kaya?

**
Christian Harrison Romano

"Aray! Ice, ano ba nanaman kasi to?!" Dinig kong mga reklamo ni Dane sa likod ko.

Sinama ko kasi siya dito sa may likod ng Cultural Arts building namin, alam niyo na. Para bantayan si Crim.

Kainis kasi! Bakit sa dami dami ng bandang pwedeng makuha ng kung sino mang kumuha ng banda, sila Aaron pa? Nakakapangmura talaga. Yung hayop na yun pa.

"Hoy ikaw yelo ka, ano nanaman bang binabalak mo?!" Inis na untag sa kin ni Dane. Reklamo ng reklamo, pero nakasunod parin naman. Tignan mo ang tanga.

Hindi ko siya pinansin at sinubukan paring sumilip sa loob ng studio.

Ugh, hindi ko makita si Crim. Bwisit naman tong mga halaman na to eh.

Hinahanap ko pa rin yung tamang pwesto para magkaron ng magandang view para makita si Crim. Medyo mahirap nga lang kasi nakayuko ako at madami paring mga asungot na dahon.

Nakaupo si Crim sa sofa habang nakahalukipkip. Ang tatlo naman ay nag-aayos ng mga instruments nila at kitang kita ko ang titig ng mokong kay Crim.

At talaga nga naman--

"Hoy, kumalma ka nga," sita sakin ni Dane. "Umbok na umbok na yang galit na galit mong panga."

Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip lang din siya habang hinihintay ako.

"Tss," yan lang naisagot ko at bumaling uli sa studio. Kainis. Dukutin ko kaya eye balls ng gagong yun? Kung maka-titig naman kasi kay Crim eh. Nangati tuloy bigla yung kamay kong manuntok.

Nakita kong kinausap ni Aaron si Crim. May sinabi siya habang nakangising manyak. Jusko! Nanggigilaiti ako sa galit! Wag na wag niya lang madadapuan ng ni isang daliri man lang si Crim kung ayaw niyang magisingan yun na kulang na ng isa!

Matapos niyang magsalita, inabangan ko kung ano ang magiging tugon ni Crim.

Nakahinga ako ng maluwag sa inasta ni Crim. Halata mo sa buka ng bibig niya na hindi siya natutuwa at inirapan pa si Aaron.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon