Nine - The Wise Cousin

1.6K 34 0
                                    

Hindi malaman ni Crim kung ano ang gagawin niya. Higit sa confusion sa utak niya, naiinis siya sa sarili niya. Naatim niya ngang makontrol yung nararamdaman niya para kay Ice for 17 yrs, ngayon pa ba siya magpapa-apekto kung kelang buo at matibay na ang pader sa puso niya?

She tried to maintain focused and calm despite the unstable crap in her chest. Iniisip niya kung pupwede bang umalis nalang siya at this very moment pero lalabas na mahina siya, at alam niya sa sarili niyang hindi siya ganun. Kaya't wala na siyang pakialam at hinayaan niya nalang kung ano ang dapat na mga mangyari.

Hindi namalayan ni Crim na dumating na sila Ice sa table nila dahil sa message na natanggap niya mula sa mom niya. Dali-dali niyang kinuha ang bag niya habang nakatingin padin sa screen ng phone niya at tumayo.

Hindi niya napansin na may nakatayo na sa tabi niya kaya naman nabunggo niya yun. Pag-angat niya ng tingin niya, kagwapuhan agad ni Ice ang nakita niya.

Nakahawak si Ice sa magkabilang braso ni Crim para maalalayan siya at nakakunot ang noo niya sa kanya na parang nagtataka at nag-aalala kung okay lang ba siya.

Konting pagitan lang ang mayroon ang mga mukha nila kaya hindi maiwasang hindi mapatitig ni Crim. Her conscious mind tells her to pull away but her ID tells her to move even closer.

Seconds later, ngumiti si Ice at tumawa ng mahina, "Gwapo ba?"

Automatic na ang naging tugon ni Crim sa kahibangang sinabi ni Ice. She scoffed and rolled her eyes saka kumwala sa pahkakasuporta ni Ice sa kanya. Binalewala niya nalang ang kayabangan ni Ice saka humarap sa grupo.

"I need to leave. Mom asked me to go home," sinab niya.

"Is it important?" Lorin asked.

She nodded. "Yeah, looks like it is."

Nakita niya naman yung hint ng understanding sa mga kaibigan niya so she just smiled in return.

Umupo na agad si Tricia saka pumalumbaba sa table. "How unfortunate. You'll leave at the moment we just arrived," she sighed. "Kung di lang dahil sa mom mo, iisipin kong may iniiwasan ka babe."

Namilog naman ang mga mata ni Crim sa narinig niya. Shit!

Matapos ang sandaling katahimikan sa grupo ay umalingawngaw ang malakas na tawa ni Tricia. "I was just kidding! Ito naman, panic agad."

Pero para kay Crim, hindi yun nakakatawa. Kaya bago siya makalampas sa table nila, pinabaunan niya ng isang malakas na pektus si Tricia saka tuluyang lumabas ng shop.

Nang makarating siya sa bahay nila, nagulat siya ng may makitang dalawang sasakyan sa tapat ng gate nila. Agad niyang tinanong sa kasambahay nila kung kanino ang sasakyan pero ngumiwi lamang iyon, kaya nagtuloy-tuloy na lamang siya ng pasok.

Bumungad sa kanya ang tatlong malalaking maleta, mga paper bags at ilang boxes na naka-prenta sa kanilang salas. Tumaas ang kilay niya sa pag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng mga maletang ito.

Nilapitan niya ang isa sa mga maleta at binasa ang "Thiago Yvan Samaniego".


Beige Crimona Samaniego


So, nakauwi na sila? I thought they'd be staying there for a week? 3 days palang stay nila dun ah.

My conclusion was confirmed by the sound of laughter of someone very much familiar to me.

I walked towards the pool area and saw that my assumption was correct. "Hey," I greeted them.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon