Christian Harrison Romano
Ang saya lang. I never thought I'd be this happy. I didn't mind getting upset afterwards. Basta masaya ako ngayon. There is no reason not to be.
Not even the traffic can give me a bad day; that is how giddy I feel at this very moment.
I'm on my way to school today at si mang Nanding ay sumisipol-sipol lang sa tugtog sa radyo.
Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti. Maya't maya din naman ang silip sa akin ni mang Nanding sa rear view mirror sa bawat ngiti ko. Siguro ay hindi na niya natiis at tinanong niya na din ako.
"Okay ka lang ba hijo?"
I chuckled. "Oo naman po mang Nanding." I nodded.
"Ngayon lang kita nakitang ngiti ng ngiti sa kawalan ah. Masyado ka naman yatang masaya ngayong araw?" pang-aasar niya sakin.
"Masaya po talaga ako ngayon, kaya ganun."
"Sana palagi kang ganyan hijo. Kaysa naman bugnot ang sumasalubong sa akin araw-araw. Mas maaliwalas tignan ang mukha mo kapag wala yung kunot ng noo mo," suhestyon niya sa akin.
"Sana nga rin po," ang naging tugon ko sa kanya.
Kahit naman masaya ako ngayon, wala pa din naman kasiguraduhan kung hanggang kalian 'to eh.
Pero wala paring makakasira ng araw ko. Masaya ako ngayon at lahat ng bagay, maganda. Napamura ako, ganito ba ang dulot ng pag-ibig sakin? Nakaka-good vibes pala.
"Good morning," bati ko sa unang estudyanteng nakasalubong ko pagbaba ko sa sasakyan nang makarating na ako sa school.
Halatang nagulat siya at agad na tumili. "OMG! Binati ako ni Ice Romano! Nakita mo ba yun?" hindi pa ako nakakalayo ay na-ikwento niya na agad yun sa kasama niya.
Naglalakad ako habang nakangiti at tinatanguan ang sino mang makakasalubong ko, kakilala ko man o hinde.
"Anong meron ngayon? Bakit ang friendly ni kuya Ice?"
"Ewan. Baka kasi rank 1 uli siya?"
"Dati naman nang rank 1 yan eh, bakit ngayon hindi siya suplado? Siya pa nga yung unang bumabati..."
"Ewan, baka in love."
"Ha?! Aww, swerte naman ng girl."
Ganyan ang naging usapan sa paligid ko. Ganun ba ka-obvious yung pagiging masaya ko? Ang dami palang naka-halata.
Anyway, wala akong pakealam. Masaya ako ngayon. Like what I said, walang sino man ang makakasira nito dahil buong buo ang araw ko mula kagabi.
Matapos ang flag ceremony, hindi ko pa din makita si Crim. Ano ba naman yan? Excited na excited akong makita siya ngayon, tapos wala siya?
May announcement na excused ang Student Council at Student Affairs Council para mag-ayos para sa ball namin. Dumiretso ako sa office kasama si Dane.
Pati siya ay nahalata yung pagiging hyper ko. "Anong meron sayo? Para kang nanalo sa lotto," inis niyang tanong habang inaayos ang buhok dahil ginulo ko ito kasi nga masaya ako.
I just shrugged. "Wala, gwapo ko kasi."
"Ang hangin bigla bro, ramdam mo?"
"Sira," saka ko siya bunatukan.
"Ewan ko sa'yo. Para kang baliw. Nakakakilabot ka," umakto siyang kinikilabutan at nauna nang pumasok sa office.
Lalong lumiwanag ang mukha ko nang makita si Crim na nakaupo sa loob ng office. Lumawak ang ngiti ko dahil nakita ko siya. Lalong nabuo yung araw ko.
BINABASA MO ANG
Just Let Me Love You
Fiction généraleBeige Crimona Samaniego. She had lived her life believing that she is to become archenemies with her rival, the ever handsome and evil, Christian Harrison Romano. Without Crim noticing, she is slowly falling for Ice once he began taking Crim serious...