Twenty Six - Pinky Promise

925 26 0
                                    

Beige Crimona Samaniego

Kapag date, yun yung getting to know each other. Yun yung may mga kilig-kilig parts, mga HHWW, subuan kapag kumakain ganon. May mga ganon namang ganap samin, pero iba ang istilo ni Ice. Madaming nalalaman ang isang yun. At kapag kami talaga magkasama, hindi mawawala ang asaran, bangayan, at sigawan. Default na yun.

We went to an art exhibit first. Pareho naman kaming mababa ang appreciation sa art pero ewan ko ba at dinala niya ko dun.

Para tuloy kaming mga ligaw na bata na sinusubukang intindihin ang bawat piece but still fails. Although lahat naman ng paintings maganda, hindi ko lang talaga makuha yung intended interpretation para dun.

Nakarating na kami sa dulong part ng exhibit, at last piece na yun. All throughout, nakahawak yung kamay niya sakin. Why? Hindi ko din alam. Pero hinayaan ko lang. Pasensya nalang siya kung pasmado ako, although I'm pretty sure hindi naman.

Tinititigan ko lang yung painting. Titig talaga dahil kahit na anong anggulo ko pa ipalig ang ulo ko, hindi ko pa din maintindihan ang painting.

"Art is so.." Wala akong masabing tamang adjective. I shrugged. I cannot directly explain what art really is. Jusko, mas mahirap pa ata ito idefine kesa sa love.

Hinigit niya yung kamay ko ng mahina kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sakin na parang nagpipigil ng ngiti.

"We're in a room full of art, so bizarre and obscure," he said. Tinitigan niya muna uli ako and so did I. "Even with all these lovely pieces surrounding us, love, I'd still choose to stare at the most amazing master piece standing in front of me within my arms." He slowly wrapped his arm around my shoulder and leaned my head against his chest, pero hindi niya padin binibitiwan yung kamay kong kanina niya pa hawak.

I felt easy in this position and closed my eyes. It's that feeling again, yung pakiramdam na ito lang ang tanging lugar na para sakin; na dapat nasasaan ako.

I heard him sigh. "I love it every time I am this close to you. I just love the feeling of my hand on yours, and your head on my chest."

I smiled. Hindi naman pala nagkaakiba ang naiisip namin ni Ice. I am as much in love in this moment as he is, and I wouldn't want this to end.

I patted his back to release from this hug but he insisted. "Let's stay like this for a while, please," he whispered. "I might not know when the next will be, or if there will even be a next."

Jusko ang arte talaga ng lolo niyo. Ang daming alam eh. Hinayaan ko lang kung ano ang gusto niya.

Maya-maya, ayaw padin niyang humiwalay.

"Ice," I called him.

"Hmm?"

Akala ko hihiwalay na siya, pero ayaw padin gumalaw.

"Ice," I called again.

"Hmm?" Mas nilakasan niya din yung tugon niya.

Hinampas ko uli ng mahina lang yung likod niya. "Eh tulog ka na ata eh!" I scolded him.

"Wag kang magulo," pabulong niya kong sinita.

"Bakit ba?"

Dahan-dahan niya kong inikot para pareho kaming nakaharap sa isang signage. Dahan-dahan niyang tinaas yung kamay niya para ituro yun. "Restricted area daw," he said.

Oo nga, nababasa ko. At nababasa ko na din ang mangyayari samin pagtapos nito. Sunod niya namang tinuro yung CCTV na nasasulok ng kisame na sa amin naka-focus. "Nakita tayo," he whispered again.

Tumango-tango ako. "Oo nga," yun lang nasabi ko.

"On three?"

Nakuha ko agad yung sinabi niya kaya hinintay ko siyang magbilang.

"One, two," he counted.

Agad kaming tumakbo palabas ng exhibit, past the guards and the security, papunta sa parking ng area ng building. And even though we're running, hawak niya padin yung kamay ko.

Tawa lang kami ng tawa nang magdrive na paalis si Ice. "How can you not see the restriction sign?" I screamed at him.

"How can I? I was too busy staring at you?" Medyo pasigaw niya ding sagot.

Imbes na kiligin ay natawa ako sa sinabi niya. We were both too hyped sa nangyari kaya nagtawanan lang kami ng nagtawanan. That was indeed fun.

Now I don't regret going with this guy today. Ang daming ganap.

He took me to next somewhere to eat. Tamang-tama dahil nagutom ako dun.

Magaling din naman ang mokong, siya na daw ang oorder para sakin. Eh patabain ang ginawa niya sakin eh. Akala ko share kami dun, pero may bukod pa siyang meal na inorder para sa kanya.

"Ang hindi makaubos ang magbabayad ng bill," he said.

Tinignan ko siya ng masama. Pasalamat nalang ako at gutom ako ngayon. "Deal," sabi ko sabay subo ng aaking burger.

Ngumisi siya sakin as if satisfied sa sinabi ko. Wala talaga akong aatrasan sa mga ganyang hamon sakin lalo pa't si Ice ang naghamon. Wag niya kong inaano.

In the end, pina-take out namin yung di namin naubos at siya din ang nagbayad. Aba dapat lang, wala kong cash ngayon.

Hindi ko napansin na ang tagal pala naming nakatambay sa resto kanina, kung ano-ano lang naman pinagkwentuhan namin, medyo dumilim na pala.

Naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya nang bigla siyang nagsalita. "We'll be back to school tomorrow," he said.

Tumango lang ako. "Preps na for grad this time."

"Release na din ng rankings," tumigil siya kaya napatigil din ako.

Taimtim niya kong tinignan. "What will happen.."

I saw anxiety in his eyes. He's afraid of what's to come too.

"What ever the results, we remain like this, please?"

I was taken aback with what he said. He's worried na baka bumalik sa 0 yung meron samin, kung ano man yun, after we see the results.

"Ice," I spoke. "I've already said that you're my suitor. And I said that because I was subjective in deciding. It would be unfair if I take back what I've said just because I became objective about it. Hindi ako ganon Ice."

Unti-unting may lumitaw na ngiti sa labi niya. "I know," ngisi ng mokong.

Oh so, nawala na agad yung maamong Ice? Maangas na uli?

"Hey," I called him nang nagsimula na siyang maglakad. Nilingon niya ako nang nakangisi padin.

I held out my pinky finger. "Pinky promise me, rankings are just rankings after this."

Nakatitig lang muna siya sakin, siguro nagulat sa pahayag ko.

"I believe that's what you're wanting to hear," I said. "So, go on. Promise me."

Bumalik yung ngiti niya sa labi saka inikot yung pinky niya sa pinky ko at pinagtama namin yung mga hinlalaki namin.

"I promise," he whispered.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon