Fourteen - Masaya maging MASAYA Pt. 2

1.1K 34 1
                                    

Inabot ng alas otso ng gabi si Ice at Crim sa pag-aayos ng mga kakailanganin para sa ball nila. Buong gabi, hindi iniwan ni Ice si Crim. Hindi niya ni minsan inisip na mauna nang umuwi kaysa kay Crim, total naman ay may makakasama naman siya kung sakali.

Hinatid ni Ice si Crim sa bahay nito. Nagpasalamat si Crim kay Ice para sa araw na ito.

"The truth is, I must be the one who need to thank you," he smiled at Crim. "Thank you for allowing me to express what I feel towards you. Thank you for the chance Crimona."

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sa tuwing tatawagin siya ni Ice sa buong pangalan nito na Crimona, ay hindi niya maiwasang mamula. May kung anong dulot sa kanya kapag si Ice ang bumabanggit ng pangalan niyang bihira niyang marinig mula rito.

Ginantihan niya lang ito ng tipid na ngiti at saka pumasok sa loob ng bahay.

Nakahinga na ng maluwag si Crim nang maisarado niya ang pintuan ng bahay nila. Sumandal siya sa pintuan at dinama ang bilis ng kabog ng dibdib nito.

"Ano ba naman yan Crim? Masyado ka namang affected!" suway niya sa sarili niya. Ngumiwi siya dahil sa kakaibang inaasal niya ngayong araw, pero agad ding napangiti nang maalala ang mga nangyari.

"Ganda naman ng ngiting 'yan," sabi ng boses na kalalabas lang mula sa banyo sa first floor ng bahay. "Mind if you share?"

Isang ngiti ang nakapagpa-anyaya kay Crim para tumakbo papalapit kay Yvan at yakapin ito ng napaka-higpit. "Thank you Yvan!"

Naguguluhan si Yvan sa nangyayari sa pinsan at nag-alinlangan sa pag-balik ng akap rito. "Uhh, you're welcome?"

Kumawala na si Crim sa pagkakayakap kay Yvan at tumawa. "Okay ka lang?" nagtatakang tanong nito kay Crim. "Baka ikaw naman ang may lagnat?" Inilapat niya ang likod ng kanyang kamay sa leeg ni Crim, pati na rin ang palad sa noo nito.

"Don't be silly Yvan," irap nito sa pinsan.

"Ehh anong meron sayo? What did you thank me for?" sagot nito sa kanya.

Nagkibit balikat lang ang dalaga saka ngumiti. "For letting me realize some things."

Naningkit ang mga mata ng binata kay Crim na tila inaaral ang kabuuan nito. "Wait a minute.." He said. "Don't tell me..."

Nagtaas ng mga kilay ang dalaga, hinihintay ang sunod na sasabihin ng pinsan.

"Hmmm..." Hinawakan pa nito ang baba nito para magmukha talaga siyang nag-iisip.

"Well?" Crim asked.

He squinted one last time saka bumuntong hininga. "Okay, I was kidding. I really have no idea why you're acting like that. Kaya please, ikwento mo nalang, kay?"

Napairap nalang si Crim kay Yvan pero hindi pa din mawala ang ngiti sa mukha niya. She pouted saka naningkit ang mata. "Wag na lang."

Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Yvan. "What. The. Hell."

Tinaas ni Crim ang kanyang mga kamay in defeat. "Fine. Pakainin mo muna ako."

Yvan immediately smirked. "Sa kwarto lang ako," sabi nito saka umakyat at pumunta sa kwarto nito.

Sa bahay ng mga Sancho Samaniego, ang ama ni Crim, naninirahan si Yvan tuwing weekdays dahil malapit lamang ito sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Umuuwi lamang siya sa Parañaque tuwing wekends, ngunit bihira din iyon.

Dumiretso na ng dining area si Crim para maghapunan. Nauna nang kumain ang pamilya niya pati na din si Yvan. Wala naman iyong kaso kay Crim dahil nakapagsabi na siya na mahuhuli siya ng dating para sa hapunan nila. Atsaka, nagkakasabay naman sila tuwing umagahan.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon