Sixteen - Bro Code Sh*t

1K 25 0
                                    

Beige Crimona Samaniego

"Okay ka lang, miss?" he asked.

Ang gwapo niya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, natural na mapula ang labi, maganda ng ngipin, binabagayan din siya ng cap na nakabaliktad. Naka-muscle tee lang din siya. Ang gwapong lalaki nito oh.

He cleared his throat that made me clear my thoughts about him too. "Ha? Ahh, oo." I nodded. "Thanks."

"Sure, ingat ka," he smiled again. Grabe, ang pogi talaga.

Bakit ako nagkakaganito? I'm not like this. Bakit ang bilis ko bigla maka-appreciate ng mga magagandang lalaki ngayon? Ganun pa man, I am not, at any chance, attracted to this guy. He's just handsome, yun lang yun.

Yumuko ako ng bahagya para magpaalam sa kanya, which I think is another bad move dahil muntik ko nang mahulog yung mga bitbit kong pagkain.

"Oops, I got it," he chuckled saka niya kinuha sakin yung mga bitbit ko; the pizza in one hand and the two food boxes on the other.

"Uhh, hindi. Kaya ko na. Thank you." Sinubukan kong abutin yung mga pagkain pero agad niya kong pinigalan.

"Miss, I insist," he nodded.

Ganda mag-ingles. Baka laking states? Pero fluent din tagalog niya eh.

Pabebe pa ba ako? "Sup to you," I shrugged na siyang nagpangiti sa kanya.

Nauna na kong maglakad habang nakasunod siya sa likod ko. "I'm Aaron," pakilala niya sa sarili niya.

Nilingon ko siya saglit at ngumiti, "Crim". Ngumiti lang din siya pabalik, yung ngiting parang bata na nag-eye smile pero di labas ngipin. Ang cutie, grabe. Mapipisil ko to sa pisngi kapag di ako nakapag-pigil!

"Uhh, saang room ka ba?" He asked pagkalabas namin ng elevator. Agad kong tinuro ang pintuan sa right side namin.

"Deviánt Hall", sagot ko.

"Great! Dyan din ako papunta," he grinned. He opened the door for me and I was too surprised with what he said to get in the hall.

Nilingon niya ko. "Dito ka diba? Deviánt din ako."

Dahan-dahan akong pumasok sa hall at napansin na nakatingin silang lahat sakin--samin.

"Aaron!" Tawag sa kanya ng isang miyembro ng banda. Magkakilala sila?

Napansin ko nanaman ang matatalim na titig sakin ni Ice. Ano nanaman ba?

"Sorry ngayon lang ako," paghingi niya ng paumanhin. "May sinalo pa kasi ako eh." He wrinkled his nose at me.

Nagtawanan sila ng dalawang nagpakilalang miyembro ng banda.

"Crim! Yung mga pagkain oh," he approached me. Papalapit na siya ng bigla akong may naramdamang kuryente na dumaloy sa katawan ko mula sa balat na tumama sa siko ko.

Hinigpitan ni Ice ang pagkakahawak sakin na siya nanamang nagpa-kabog ng dibdib ko. Nagtaka ako kung bakit niya ginawa yun, pero napansin ko din na biglang bumagal sa paglakad si Aaron nang makita niya si Ice sa tabi ko.

Sumeryoso ang palangiti niyang mukha at umigitng ang panga. Nahalata ko ring napalunok siya. Sa tabi ko naman ay naring kong bumigat ang paghinga ni Ice. Teka, anong nagyayari dito?

"Ice," Aaron said. Ha? Magkakilala rin sila?

"Aaron," he answered, acknowledging Aaron. Magkakilala nga sila?

Sandaling nanahimik ang paligid. Intense. Walang nagsasalita, naghihintay sa kung ano mang susunod na mangyayari. Bakit ba ako naipit sa ganitong sitwasyon? Ayoko talaga ng awkward moments, tsk.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon