Thirty Five - Intruder Alert

773 25 0
                                    

Beige Crimona Samaniego

Good thing I was able to finish the practice for today nang hindi nanaman naaabnoy.

Robbie insisted that I ride with her going home. Pero sinabi ko ka sa kanya na wala lang yung panghihina ko kanina.

Wala lang naman talaga yun ah? Baka ginutom lang ako.

As I fought my way home, with the struggle of getting a hold of myself until I reach my room, hindi padin nawawala sa isip ko yung nakita ko.

Ang ganda niyang babae. And it's as if Ice really dressed real good today for her. Kaya ba ang ganda ng porma ngayong araw? Because of that? Because of her?

Is she someone like Aaron again? Another part of Ice's past that neither of us knows? Na bigla-bigla nalang ding susulpot at magpapakita samin para ipamukha samin na unang naging kanya si Ice?

Pumasok ako ng bahay at naabutan ko si Yvan na may hawak na baso ng tubig at paakyat na ng hagdan. He greeted me but I was too preoccupied with my thoughts to answer him.

Nilampasan ko lang siya at nagdirediretso na sa kwarto ko.

I sighed. Ano bang iniisip ko? Bakit ako masyadong apektado? Ano naman ngayon kung masaya silang magkasama ni Ice? Edi magsama sila.

Dumiretso na akong banyo para magbihis. Paglabas ko, una kong napasin yung sliding door ko papuntang balcony na naka-bukas at hinahangin yung kurtinang nakasabit doon.

Iisipin ko na sanang may magnanakaw na nakapasok sa loob ng kwaro ko, pero dumako yung tingin ko sa gilid ng pintuan at nakita ang isang pares ng sapatos--two-toned na Sperry.

Napatingin agad ako sa kama at may nakitang pigura ng isang lalaki na nakadapa doon. Nilapitan ko yun at sino pa ba?

Nakapikit siya habang humihinga ng malalim. Napataas ako ng kilay. Baka mamaya nag-tutulog-tulugan nanaman to. Mapapahamak nanaman ako.

Niyugyog ko siya. "Ice."

Pero wala parin siyang kibo. Di kaya deds na to?

I shook him once again and I heard him groan. Unti-unti niyang minulat yung mata niya and when he already distinguished that it's me standing in front of him, bigla bigla siyang ngumiti ng malawak.

Agad siyang bumangon at niyakap ako. You could imagine our position, kasi nakaupo siya sa kama habang nakayakap sakin habang nakatayo ako. So apparently, he's hugging my tummy.

"I missed you," bulong niya.

What the hell is he talking about this time? Pinagloloko niya ba ako?

Tiningala niya ako, yung baba niya yung nakapatong sa tiyan ko, at ngumiti uli ng malawak.

Hinampas-hampas ko agad yung mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Too close, Romano! Too close!"

Tumawa-tawa lang siya habang humihiwalay saka umupo ng ayos sa kama ko.

Lumayo ako ng onti habang hinahabol yung hininga ko dahil bumilis nanaman ang kabog ng dibdib ko. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Singhal ko sa kanya.

He shrugged before answering. "Di kita naabutan sa school kanina eh. Thought I'd come up to your room and wait for you here instead."

Nag-iwas ako ng tingin. "M-may sasabihin ka bang importante? Bakit m-mo ako kailangang makita?" Shit. Ngayon naman nauutal ako?

Tiningala ko siya and saw that his face was blank. Only his eyes were telling me that I should've known why he's here.

Nag-iwas uli ako ng tingin. His gaze is too heavy. I couldn't take it.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon