Twelve - From an Acquaintance to a Suitor

1.3K 48 10
                                    

Beige Crimona Samaniego


I went down from my room hoping na wala na si Ice sa baba. I wasn't disappointed, although I sort of wished he did stay na at least may napatunayan siya tungkol sa 'panliligaw' nga niya. But anyway, it's the least of my concern right now.

I had enough rest for a 5 hour sleep, kaya nagising ako, saktong dinner na. Patabain na ako ngayon dito sa bahay sa ginagawa ko eh.

Ako nalang ang wala sa table but they weren't starting the meal, so I greeted them. Nagkwekwentuhan sila nang mapalingon sila sa akin and greeted me back. Naupo na ako sa harapan ni Mom.

They asked me about my weekend. Ininggit ko sila, syempre ako lang yung sumama sa Subic eh. Pinakanainggit si kuya. "Dad kasi eh, pwede namang next weekend nalang yun. I missed Subic tuloy," angal nito kay Dad.

"Subic didn't miss you son, don't worry," biro ni Dad.

Halos himatayin ako sa gulat nang narinig ang boses ni Ice sa likuran ko. "I'm sorry if you waited for me, you didn't have to." He apologized.

Nilingon ko siya na masama ang tingin. Akala ko ba nakauwi na to?

Sabagay, wala naman siyang sinabing uuwi na siya. Pero kahit na! Sino ba namang hibang ang maghihintay sa taong katutulog lang na magising para pag-gising niya, magdedate kayo?

Dad laughed. "Nako hijo, para ka namang iba samin. Quick, grab a seat and eat with us," paanyaya ni Dad sa kanya.

He nodded and sat on the chair beside me. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakitang poker face lang ang mokong. Aba't talagang siya pa ang may ganang magtaray sa akin? Iba din 'to!

Walang ano-ano'y kinumpronta ko siya, right there and then. "Why are you still here?"

I heard Mom gasped but I didn't care. I don't care kung makita nila akong may inaaway na bisita, dahil siya ay isang BUWISITA. "Crimona!" suway sa akin ni Mom.

Napatingin si Ice sa direksyon ni mom but I just raised an eyebrow at him still waiting for his answer.

He shrugged. "I told you I'll wait 'till you wake up, didn't I?" he answered me.

"And you did?" mataray kong sagot.

He nodded. "Yeah, I did."

"Crimona," I heard mom warn me.

I raised my eyebrows in disbelief. "All right," I said in surrender. "Let's have dinner."


**

Dinner was hell.

Mukhang ako yung hindi Samaniego sa naging usapan namin kanina ah. Why do they adore Ice so much? Hindi ko nalang binalak na sumabat sa mga usapan nila, baka kung ano lang ang masabi ko eh.

Up to now hindi ako makapaniwala that Ice didn't really leave. Paulit-ulit kong tinatanong kung seryoso ba siya sa binabalak niyang picnic na yan kahit na gabi na at may pasok pa kinabukasan. Pero mukhang may balak talaga siyang ipush yan dahil hindi pa din siya umaalis hanggang ngayon.

Atsaka, picnic? Ehh kumakain na kami ngayon oh? Ano pang ipipicnic namin mamaya, if ever?

DInala niya ako sa labas ng bahay, sa garden. Jusko, dito lang naman pala eh. Ang dami pang arte.

He laid the mat then the comforter and invited me to lie down and star gaze with him.

I decided to not contradict whatever his plan is for tonight para lang matahimik na ang kaluluwa ng 'sang 'to na kanina pa pala ako hinihintay.

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon